Mema lang muna para may ma post na article

5 7
Avatar for Marinela2525
3 years ago

Narito ako sa isang sulok

Kung saan nag susumiksik

Naaalala ang iyong tinik,

Tinik na ako ay winasak.

Pilit na gusto kang kalimutan

Ngunit paulit ulit paring nababalikan

Nababalikan ang mga ala-ala kung paano mo ko iniwan

Ala-alang tila akoy ayaw pakawalan

Napapagod na ako sa bawat oras na ikay naaalala

Pilit kong ikaw ay kalimutan na

Ngunit paulit ulit na bumabalik pa

Mga mapapait na ala-ala na patuloy kang pinaaalala

Kailan mo ba ako lilisanin? Kailan kaba mawawala sa aking isipan?

Hanggang kailan mo ako pahihirapan ? Hanggang saan mo ako dadalhin? Hanggang saan?

Hanggang sa hininga ko ba ay malagot na?

Ako ay napapagod na sa paulit ulit mong pag papaalala kinamumuhian ang sarili bakit hindi ka kayang kalimutan

Mapapait na nakaraan na iyong iniwan

Na labis akong nasaktan

Ngayon ayoko ng masaktan

Luha ko ay ubos na puso ko ay durog na ayaw ng gumalaw ng aking katawan nanghihina na ako kaya ako ay mag papaalam na...

Mag papaalam na sayo at tuloyan ka nang kakalimutan

Ibabaon ko mga mapapait na ala alang iniwan

Akoy mag papatuloy na sa bagong yugto kung saan ako nalang mag isa

Gagawa ng bagong ala ala at patuloy ka nang lilimutin dahil napagod na ako hindi na kita muling babalikan

Aking ituturing na sarili ang bagong umaga

Kung saan ako lang , ako lang ang syang mag papatuloy at ikay wala na

Patuloy na kitang lilisanin , lilisanin ang sakit na iyong dinulot

5
$ 0.00
Sponsors of Marinela2525
empty
empty
empty

Comments

Fightingggg~

$ 0.00
3 years ago

Thank you haha

$ 0.00
3 years ago

💖

$ 0.00
3 years ago

Hahhaha..go lang

$ 0.00
3 years ago

Fighting Hahah kaya yan

$ 0.00
3 years ago