Ipag lalaban mo ba ?

1 14
Avatar for Marinela2525
3 years ago

Susugal ka pa ba ?

Susugal ka pa ba sa taong alam mo naman na hindi ka kayang bigyan ng atensyon?

Susugal ka pa ba sa taong ayaw kang lingonin manlang kahit saglit, susugal ka pa ba sa tao na tanging sarili lang ang kayang mahalin?

Susugal ka pa ba kung alam mong ikaw ay matatalo lamang ? Isusugal mo ba kahit alam mong mali na ?

Alam kong maraming katanungan ang gumugulo sa iyong isipan.

Alam kong kahit na ilang beses mong isipin at sabihin sa sarili mong tama na ay mas pipiliin mo parin ang gusto ng puso mo kahit na alam mong ikaw lamang ang masasaktan

Ang masaktan ay kasama pag ikaw ay nag mahal ngunit ang paulit ulit na masaktan ay pinili mo, pinili mong ipag laban ang taong alam mong hindi naman dapat ipag laban pero pinaglaban mo kahit na alam mong masasaktan ka lang.

Isang sugal na matatawag ang pag mamahal sa isang tao na alam mong kahit kelan ay hindi ka magugustohan , kahit alam mong hindi nya kayang suklian yung pag mamahal na binibigay mo.

Sumugal ka kahit na alam mong matatalo ka dahil ikaw ay matapag nais mong subokan kung iyo bang makakamit ang pag mamahak na nais mong makuha galing sakanya

Isang sugal na matatawag ang pag lalaan ng oras sa taong hindi ka naman binigyan ng atensyon kahit saglit dahil hindi ikaw ang gusto

Sumugal kang mahalin ang tao na hindi ka mahal dahil binuo mo sa iyong sarili na baka, na baka naman mag work, baka naman pwede, baka pwede kong subokan, subokang mahalin kahit hindi ikaw ang mahal

Ikaw, kapag susugal ka sa pag ibig dapat buo ang iyong loob, buo ang iyomg damdamin upang makayanang tanggapin lahat mg kabiguan at pag katalo.

2
$ 0.00
Sponsors of Marinela2525
empty
empty
empty
Avatar for Marinela2525
3 years ago

Comments

nice tagos sa puso

$ 0.00
3 years ago