"Ina at Anak"

4 23
Avatar for Marinela2525
4 years ago

Sa tuwing ikaw ay nalulumbay wag kang mag alala sa pagkat sya ay laging nakasubaybay mga kamay na laging nakalalay upang ikay gabayan

Mga landas na iyong tinatahak lagi mo syang kasama

Dahil ayaw ka nyang mapariwara mga labi nyang abot tenga ang saya bakas ang ligaya sa mga mata sa tuwing ikaw ay kanyang napapasaya

Siyam na buwan ka nyang dinala sa kanyang sinapupunan binibigyan ng halaga at pag mamahal kahit hindi ka pa nakikita

Dahil ikaw ay kanyang mahal kaya ikaw ay inalagaan sa sinapupunan hanggang sa ngayon ay malaki kana tanging hangad nya ay ang iyong ikabubuti

Mga buka ng bibig na kung minsay ikaw ay naririndi na dahil parang sirang plaka na sa paulit ulit na salitang iyong naririnig na minsan ay ikaw ay naiinis na.

Pero kung iyong iisipin nasa sinapupunan ka nya kung ikaw ay sumipa sa kanyang tiyan ramdan nya ang sakit ngunit mas bakas ang ligaya sa kanyang muka, tibok ng puso mo ay gustong marinig ng paulit ulit.

Mga hirap at sakit na dinanas habang ikaw ay dinadala sa kanyang sinapupunan ay hindi alintana tanging nanaig ay ang kaligayahan ng marinig ang iyong unak tinig , tinig ng pag ngawa hudyat na ikaw ay buhay na sa mundo

Sa iyong pag silang panibagong hirap at pagod nanaman ang kanyang dinanas

Sa gabi gabi mo syang pinapahirapan dahil sa araw o gabi ikaw ay umiiyak hindi magkandaugaga kung paano ka patatahanin napupuyat sa pag titimpla ng iyong gatas sa gabi

Wala ng panahon para sa sarili ni mag suklay ng buhok ay hindi na magawa dahil tanging ikaw ang kanyang inaalala

Sa tuwing ikaw ay ikaw ay naririndi sa kanyang mga paulit ulit na payo lagi mong tandaan ito ay para sayo, natatakot kang sya na baka ikaw ay masaktan kaya bawat kilos at galaw mo ay kanyang pinupuna dahil mahal ka nya

Lagi mo rin tatandaan kung gaano kahirap ang kanyang dinanas upang ikaw ay mapunta sa kinatatayuan mo ngayon lagi mo syang pasalamatan at mahalin huwang magsasawang intindihin, dahil tanging ang iyong ina ang syang unang nag pahalaga at nagmahal sayo bago ka pa man isilang sa mundong ito

**************************************************************

Ang tulang ito ay tungkol sa isang anak at ina. Palagi nating tandaan lahat ng sinasabi ng magulang natin ay para sa ikabubuti natin huwang tayong magalit kung tayo ay kinagagalitan nila dahil ayaw ka kang nilang mapasama.

At anga artikulong ito at bunga lang ng aking kaisipan hindi man tugma ang bawat talata ang mahalaga ay ang nilalaman nito

Sponsors of Marinela2525
empty
empty
empty

2
$ 0.00
Sponsors of Marinela2525
empty
empty
empty
Avatar for Marinela2525
4 years ago

Comments

Indeed! Our Mother loves us unconditionally. They are like our guardian angel, who always watch us (our actions) guide us, teach us, and protect us!! That's why mothers are the best! But Fathers too๐Ÿ˜‡

$ 0.00
4 years ago

I agree๐Ÿ’•๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

...gnda nmn Ng article mo sis..heheh ..

$ 0.00
4 years ago

Salamat

$ 0.00
4 years ago