Si Bantay

4 43

Muzta po kayo share ko lang po ang aking alagang Aso.. Pangalan nya ay Bantay.. Putol ang buntot at kulay itim sya may mga tuldok sya sa gawing tyan.. Palage syang nasa loob ng bahay pinapalabas namin sya kapag umiiyak sya,

Kc un ang ibig sabehin mag dudumi na sya palaging ganun ang araw araw namin.. Minsan tinatamad ako kapag umiiyak at inaantok pa ako. Palage kc mga 5am sya nanggigising ng ganung oras, kasarapan ng tulog. Pag katapos nya dumumi sa umaga babalik sya at kakatok.

Nung may mga aso nadin ang kapit bahay namin may kalaro na sya kaya kapag umaga nasa labas na..

Diko alam para talaga may isip si bantay pag dating kasi ng gabi pumapasok na sya sa bahay. Babae nga pala si bantay.

Wala kami anak ng asawa ko kaya sabi ko sakanya mag anak na sya para may inaalagaan kami.. May kapit bahay kami na napalapit din kay bantay. Sa kanya naming nalaman hinahatid dw sya sa labasan ni bantay namin,, gusto nya hiramin din si bantay. Pumayag naman ako kc mabait naman ang kapit bahay. Madami nababaitan sa alaga naming aso..

Dumating ung makakapag bago ng araw namin. May susundoin ako mga ka trabaho ko na di alam saan ako nakatira kaya lumabas ako sa highway.. Diko alintana na naka sunod si bantay sa akin abala kc ako sa kausap ko sa cp habang patawid ako ng kalsada.. Naka atensyon ang isip ko sa mga sasakyan na dadaan baka kc lumagpas sila..

Laking gulat ko ng may kumalabog at nakita ko si bantay na nasagasahan ng kotse, tapos na ulit pa ng isa pang sasakyan.. Iyak ako ng iyak nung mga oras na yon gusto ko tumawid kaso ang daming sasakyan buhay pa sya at pinipilit ilayo ang katawan sa kalsada.. Buti nalang hinarangan ng mabait ng lalaki ang mga paparating pang sasakyan para di madurog si bantay..

Masakit mawalan ng mahal mo lalo na naging parte na sya ng buhay mo. Namatay si bantay at halos gabi gabi pakiramdam ko nasa bahay padin sya. At gumigising padin ako sa umaga nakasanayan ko ng ganun ang gising dahil kay bantay.

Naaalala ko padin sya dahil napaka bait nyang aso.. Mahal na mahal ko padin sya at dina ako na alaga ulit ng aso.. Simula nun..

7
$ 0.00

Comments

Pareho tayo..hindi pag npamhal na sa iyo ang aso mo..pag nawala n sa iyo..ang sakit kaya ang hirap na uli mag alaga ng aso..

$ 0.00
4 years ago

Ai. Kawawa naman si bantay. Ako din po. Yung aso ko alagang alaga ko un. Iyak din ako kpg ngkakasakit sya..

$ 0.00
4 years ago

Nakaka awa naman si bantay bihira lang ang mabait na aso at matalino nakiki isa ako sa nararamdaman mo..

$ 0.00
4 years ago