Holdaper..

5 30
Avatar for Maricel07
4 years ago

Gusto ko lang ibahagi ang aking karanasan sa mga holdaper... Bata pa po ako noon mga 14 taon gulang palang po ako ng sapitin namin ang isang malagim ng pangyayari..

May grocery kami sa may commowelth naowi kami ng 7pm sa novaliches.. May kasama ako boy namin. Pag ka galing ko sa school dumederetso nako sa tindahan namin, ako kasi ung pinagkakatiwalaan ng ate ko pag dating sa pera..

Paowi na kami. Pasakay kami ng Jeep na naka sign board SM North.. Ung kasama ko Umopo katabi ng driver. Tapos ako sa bandang puwetan ng Jeep..

Dalawa palang kami ng mga oras na yon bandang sa may Batasan may sumakay na lalake gwapo at naka leather jacket maya maya may sumakay ulit babae naman, habang naka upo ako sa jeep may pumara na apat na mga lalake gumitna sa akin ung dalawa tapos lumipat sa babae ung dalawang lalake ung isa naman nag punta sa likod ng driver.. At ang sabi

Manong bagalan mo.. Holdap to.. Nagulat nalang ako at na shock umatras ako sa may dulo kc may dalang patalim ung mga lalake.. Sa may dulo may lalake kinakausap ako na gusto nya kunin ung bag ko sabi ko walang laman yun kundi mga libro at note book.. Nakikiusap ako sakanya, ung dalawa sinapak ung lalake tapos kinuha mga cp nila.at pera ako naman todo ako pakiusap sakaharap ko.. Nung malapit na sa philqoa bandang madilim na lugar mabilis silang bumaba at laking pasalamat ko at hindi kinuha ang bag ko ng lalaki ung dalawa lang ang nakuhanan,,.

Kawawa ung gwapo nasira ung mukha.. At ung babae.. Nawalan sila pareho ng cp at pera.. Pasalamat ako sa Panginoon at hindi nakuha ang bag ko na laman ay benta sa tindahan patay ako sa ate ko..

Dinala kami sa police stasyon at kinuhanan ng pahayag sa nangyari.. Nagtaka sila bakit ako hindi nakuhanan.. Sabi ko nakiusap lang ako.. At naawa ung lalake..

Salamat po sana na huli na ung mga holdaper na yun mga salbahe..

8
$ 0.00

Comments

Mag ingat tayo palage at manalangin sa bawat oras ang trahedya ay nanjan palage..pero manalangin ka lang dika mapapahamak God is always here to protect us..

$ 0.00
4 years ago

Oo masamang tao sila pero hindi lahat ng masasamang tao na yun ay walang kabutihan sa puso. Gaya na lang ng lalaki na nakaharap mo na pinakiusapan mo. Iilan kasi sa kanila ay napipilitan lang dahil wala na silang pagpipilian. Wala tayo sa katayuan nila kaya wala tayong karapatan para husgahan sila. Hindi natin dinaranas ang paghihirap o problema na nadarama nila. Oo mali ginawa nila dahil mali ang pinili nilang desisyon. Hindi po ako naniniwala sa kapalaran dahil ikaw mismo ang makakapag desisyon sa sarili mo kung ano man ang pipiliin mo sa buhay, masama man ito o mabuti.

$ 0.00
4 years ago

Dapat talaga lagi tayo alisto.. magiingat sa araw araw lalo na kapag lalabas ng ating mga tahanan.. thanks for sharing your experience.. take care always..

$ 0.00
4 years ago

Kaya ingat tayong palagi lagi tayong manalangin gabayan gabayan tayo sa mga lakad natin.

$ 0.00
4 years ago

Buti naman dika napano may kasama ka gabay kaya dika napa hamak

$ 0.00
4 years ago