Ako lang b??
Ako lang ba ung nakakaramdam ng ganito, iniisip ko kapag bunso mahal ng lahat, lahat pavorite, lahat ibibigay, hindi napapagod sa bahay,
Ako lang ba talaga ang ganito, subra naba kung makaramdam ako ng inggit sa ate ko, palage nalang bago ang damit, halos wala isang linggo bago agad ang damit,,
Diko maisip kung dapat ko to maramdaman,, mahal ko naman ang ate, kaso bakit sya nalang palage ang mahal ni mama,
Ako kaylangan ko nadin ng bago, wala nako magamit wala ako sapatos wala bago damit wala bago underwear at kaylangan ko nadin ng baby bra,, sabi nila masama mainggit pero diko maiwasan he, minsan iiyakan ko nalang,
Nakita ko si ate binilan ni mama ng bago ulit diko na napigilan sareli ko nag salita nako,
Bakit mama si ate lang bakit si ate lang may bago damit akala ko ba nag hihirap tayo bakit palage mo nalang sya binibilan, bakit ako wala,, dimo ako mahal, si ate lang mahal mo,
Sabay sabi ni mama hindi anak, kaylangan kasi ni ate mo yan, sa school nila, palage ka nalang may dahilan ako ba wala b ako kaylangan,? Hirap na hirap nako sa damit ko, palage patong patong kasi kaylangan ko nadin mag karoon ng baby bra, wala man lang ako sapatos, sila lahat may bago sapatos sa school ako wala,
Tumigil kana sa susunod ikaw naman, ganyan kayo palage, di naman tinototoo,
Subra sama ng loob ko nun iyak ako ng iyak, sabi ni kuya oo nga naman mama, si ate nalang lage, may anak pa kayo babae,
Buti pa ang kuya nahintindihan ako, samantalang ang nanay, di ako mahintindihan,,
Dumating ang araw ng palengke,, ginising ako dahandahan ng mama ko, isasama ako sa paĺengke,pag dating namin dinala ako sa favorito nya kainan ng meryenda, na busog ako sa bilobilo,,
Bargain nun,dinala nya ako sa bilihan ng mga damit at mga bra, binilhan nya ako ng 3 na baby bra, at 3 na short,, subra saya ko nawala na ung matagal ko iniiyakan,, mahal din pala ako ng mama, ko,
Mama i love u,, eto ung alaala ko na diko malilimutan, na minsan ako nainggit sa ate ko, at nagtampo ng subra,, ang magulang natin minsan unawahin natin kong hindi nya agad nabibigay lahat ng gusto natin, kasi may time na hirap sya pag sabay sabayin lahat,,
Sadya lahat pinag dadaanan yan,, palage sa mag kakapatid, may inggitan, pero darating din ung araw mawawala din yan, minsan unawain din natin ang ating mga magulang di dahil dika nabilan ibig sabehin dika na mahal,, mahal ka ng mama mo dilang nya kaya ibigay agadagd lahat ng kaylangan mo.