Ama Papa tatay dad daddy

0 13

Una sa lahat sana po welcome ako dito.. Gusto ko lang share ang maikling alaala sa aking tatang..

Grade 1 ako nun panahon iniwan kami ng nanay ko.. Halos wala pako ka alamalam sa buhay ang tatay ko sa umaga gigising magluluto ng ulam namin.. Naalala ko madalas niluluto nya adubo sitaw. Saka ampalaya ginisa.. Na may itlog.. Ok na ang buhay namin nun. Kaso si tatay may sakit sumusuka sya ng dugo.. Palage sya nasa hospital palage sya nawawala iniiwan nya kami sa matatanda naming kapatid.. Kapag babalik sya palage sya may dala na frutas oo yung apple at oranges ang palage pasalubong nya sa amin.. Palage ako naiyak kc lage sya wala.. Iyakin ako nun panahon na yun pero kinakaya ko kc wala naman kami magagawa.. Kaylangan mag pa gamot ang tatang ko.. Minsan naalala ko ayaw ko pumasok sa school kc natatakot ako mag lakad sa masukal nakakita kc ako ng Ahas.. Sinabe ko kay papa yun kaya kapag kasama namin sya at wala sya sa hospital nag papasama ako sakanya papasok sa school tinatanaw nya ako habang naglalakad papasok.. Diko maramdaman wala kami Ina kapag anjan si papa.. Kc marunong sya sa lahat marunong manahi .. Mahal na mahal ko si papa kaso napaka daya ng buhay natin.. Ung tao pinaka mamahal ko kinuha sa amin.. Kaya pala dina omuowi si tatay ko kc malubha na sya.. Grade 3 ako nun ng bigla ako wala ng gana tulog ako ng tulog KC wala ako kaen panis kc ung nabaon ko.. Oo kc wala na kami magulang na mag aalaaga sa amin.. Kaya kahit ano nalang baon ko.. Kahit sabaw ng noddles binabaon ko.. Siguro sa panahon na yun tama ang sabi ni tatay sa amin kawawa kami pag namatay sya.. Nangyare na nga ang di namin inaasahan namatay na ang tatay namin.. Halos wala ako imik ni hindi ako umiyak diko kc makita ung mukha ng tatay ko sa lalake naka higa doon.. Para kc hindi sya.. Pero sabi nila si papa yun.. Ako nga na sa halos umaalis si tatay ko lage ako umiiyak. Palage ako malungkot pero yung time na alam ko patay na sya pilit ako gusto umiyak pero wala tlga luha.. Gusto pumatak.. Papa mahal na mahal kopo kayo.. Never ako makakalimot kahit na halos 20years na naka lipas..

1
$ 0.00

Comments