Maitim ang kulot na buhok, maikli ang gupit, Sa bawat hibla'y may kutong nakakapit. Mayr'on syang malapad na noo. Tanda raw na sya'y matalino, Na sa sobrang talino, kahit mali - papanigang buo. May dalawang tainga, sa kaliwa at kanan. Pandinig sa kaliwa'y basag, ayos ang sa kanan. Kaya't nasa kanan lamang ang pinakikinggan. Dalawa rin ang mata, malaki. Ngunit bulag siya sa tama at mali. May pango syang ilong, isa kasing pinoy at di kano. Naaamoy nya ang baho ng sarili, pero hindi ang lansa ng itinuturing nyang kakampi. May malaki syang bibig, may awtoridad ang bawat sambit. Ngunit sa paglingon ng singkit, sya'y nangliliit. Pantay at maputi ang kanyang ngipin. Di tulad ng kanyang pagkapuno at budhi na parehong maitim. Makapal ang kanyang pisngi, sa sobrang kapal hindi tatablan ng pako. Hindi tulad ng kanyang pangako. Di pa nga pinupukpok, tuluyan ng napako. ******************* PS: Ang tulang ito'y nasulat ko noong etneb - etneb pa, at hindi ko po talaga alam kung anong hugot ko dyan. Bored lang siguro dahil pandemic. Lol. -magioia- Magandang Umaga sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent
1 comment
you have written a nice poem indeed pandemic made our life miserable everyone suffered because of it, well good morning dear blessed day