Mahalin ang sariling wika.

0 35
Avatar for MariaGracias
4 years ago

Ang buhay ng isang Pilipinong guro. Pasensya na kung ikaw nagulat sa pamagat ng aking artikulo. Kadalasan kasi sa ating mga Pilipino ay mas gustong gamitin ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.

Wala naman itong problema sapagkat ang wikang Ingles ay pandaigdigang wika na kung saan ang isang taong marunong mag Ingles ay may kakayahang magtrabaho sa matataas at magagarang kompanya. Iniisip ng karamihan na matalino at may kakayahan ang taong marunong sa wikang ito.

Bakit nga ba ganito?

Ako ay nakapagtapos bilang isang guro na mas binigyang halaga ang ating wikang Filipino. Ang wikang nagbuklod sa bawat Pilipinong nakatira sa iba't ibang pulo. Ang wikang pinaglaban ng ating pambansang bayani. Ang wikang may kinagisnang kwento. Kagaya nang pag unlad ng bansa ay kaakibat nito ang pagkalimot sa mga mahahalagang aspeto.

"Hindi naman masama ang pag-unlad" ayon nga sa isang Pilipinong kanta ngunit hindi naman mabuting mas mahalin natin ang wika ng iba. Huwag sana tayong maging banyaga sa sariling bansa. Mahalin ang sariling atin. Mahalin ang wikang Filipino. Mahalin ang bansanh Pilipinas.

1
$ 0.00

Comments