Taho

0 17
Avatar for Maria
Written by
3 years ago

Isa sa mga paboritong kainin nating mga pilipino sa umaga.. gustong gusto din ng mga bata,.. napasarap nito lalo na pag maraming arnibal.. paborito ng anak kong panganay nung sya ay maliit pa.. naalala ko nung maliliit pa sya siguro mga 2 to 3 years old sya nun.. kasalukuyan akong nagtatrabaho nun.. isang beses pang gabi ako kay nandito ako samen ng umaga nagtataka ako kase may dumaan na magtataho yung anak ko tatakbo na palabas may dala ng baso tapos pag pasok nya ulit may laman na taho yung baso nya napaisip ako wala naman nagbibigay sakanya na pera pano sya nakabili nun.. tinanong ko sya ngayon kung san galing pera nya wala daw, eh pano sya nakabili ng taho, sabi ko, inutang daw pala nya😂😂😂 sabi ko naman, ha..marunong kana mangutang naku nakakahiya sa magtataho,.. habol habol ko yung mag tataho para bayaran yung nakuha ng anak ko, yun pala suki na nila dto samen yung magtataho at kilala na nya yung anak ko at alam talaga nya pangalan ng anak ko sabu nga ng nanay ko may iba pa dw utang na taho ang anak ko kase minsan pag ginagawa si nanay nagugulat nalang sya may kinakain na yung anak ko na taho.. kaya ayun binayaran ko lahat nunv utang ng anak ko.. sabi ko sa magtataho pasensya na nakakahiya talaga at nkapangutang pa talaga ang anak ko ng taho..🤣🤣🤣 sabi naman ng magtataho ayos lang dahil suki na daw nya mga bata dito samen at lalo na ang anak ko..😂😂 bait nung mag tataho..😊😊

Nagyon hindi ko na alam kung san sya nagtitinda hindi ko na kase sya nakikita na dumadaan dito samen ehh..

2
$ 0.00

Comments