Mommy's life 012 "pacham"

0 17
Avatar for Maria
Written by
3 years ago

Gud eve mga kapinoy..

Luto lang ang lola nyo ng ginisang okra na may sardinas,.. pacham( pachamba-chamba)😂😂 dami kase uwi ni tatay na okra ehh wala maisip na gawing luto..

Favorite ng anak kong babae na limang taon ang okra.. kaya tuwang tuwa sya nung makita nya na yun ang lulutuin ko.. nakakatuwa lang kase hindi sya ganun kaselan sa ulam,minsan nga asukal or kape lang ulam nakain sya ehh.. mas maganda talaga sa bata na marunong sila kumain ng gulay kase masustansya yun.. yung anak ko kahit anong gulay kinakain nya hindi lang masyado pag ampalaya kaya pag mag luluto ako ng ampalaya may ginagawa ako para hindi ganun kapait pag naluto na sya.. dati inuuto pa namen sya na nakakaganda ang gulay para kumain sya..😁😁 pero totoo naman talaga diba maganda sa kalusugan yun.. pag kakain pa nya bigla mag tatanong kung maganda naba daw sya..hehe.. kame naman.. "naku sobrang ganda mo na anak kaya dapat lagi ka kumain ng gulay para mas lalo ka gumanda..😊😊😊

Ayun na nga hindi pa luto yung niluluto ko..😂😂

Geh mga ka pinoy.. mya kain na kame.. kain na kau dinner nyo..😊😊

1
$ 0.00

Comments