Iba na ang may alam.. para sa mga mommies

0 26
Avatar for Maria
Written by
4 years ago

Exluton o daphne pills ba ang gamit mo?

Nagwowory kaba kung bakit hindi ka nireregla habang ito ang gamit mong contraceptive?

Alisin na ang worries mo!ito ang explanation kung bakit hindi ka nireregla habang exluton o daphne pills ang gamit mo..

Alam mo ba momshie na karamihan sa mga pills ay may taglay na dalawang hormones(Progesterone at Estrogen) ito ay tinatawag na Combined Oral Contraceptive

Ang Exluton at daphne naman ay kabilang sa Progestin-only pills(ibig sabihin ay iisang hormones lang meron ito). At dahil wala itong taglay na Estrogen na responsable sa pagreregla,karamihan sa mga babaeng gumagamit nito ay hindi nireregla

🤔Tanong:Sino ba ang pwedeng uminom nito?

🙋‍♀️Sagot:

👉Mga babaeng nagpapasuso

👉Mga babaeng ayaw reglahin

👉Mga babaeng walang hypertension

👉Mga babaeng walang varicose veins

🤔Tanong:Ilang tablets ba meron ang Exluton at Daphne pills?

🙋‍♀️Sagot:

👉28 pills

🤔Tanong: paano ba ito iniinom?

🙋‍♀️Sagot:

👉Iinumin araw-araw sa parehong oras ng walang palya

👉Pagkatapos maubos ang isang paketeng pills,simulan uli ng panibagong pakete may regala man o wala.

👉Kung first time user ka, iinum muna sa loob ng pitong araw(7days) ng walang palya bago ito magiging effective o masasabing safe ka na sa pakikipagtalik.

❗Tandaan:

🔴bawal makalimot sa paginom ng pills dahil madali kang mabubuntis.

✅Gumamit muna ng condom ang mga first time user sa loob ng pitong araw(7days)kung hindi mapigilang makipagtalik.

🤔Tanong: Paano ba ito gumagana sa katawan ng babae?

🙋‍♀️Sagot:

👉Pinipigilan nito ang paglabas ng hinog na itlog(no ovulation will accur)

👉Pinapakapal nito ang mucus sa cevix upang magsilbing barrier o harang sa similya sa panahin ng pakikipagtalik

👉Pinapanatili nitong manipis ang uterine wall o dingding ng matres na dahilan kung bakit hindi nireregla ang babae.

Ayan momshie, ngayon alam mo na, na sa pag inom ng progestin-only pills na gaya na Exluton at Daphne ay hindi ka rereglahin dahil pinapanatili nitong manipis ang iyong uterine wall o dingding ng matres. Normal lamang po ito at taliwas sa haka-haka na ang babaeng hindi nireregla ay may mabubuong tumor o hindi mailalabas ang maruming dugo.

❗Tandaan:

✅Ang regla ay hindi maruming dugo,ito ay ang napilas lamang na uterine wall o dingding ng matres.Kung ikaw ay naka Exluton o Daphne, hindi po ito kakapal kaya hindi ka rereglahin

✅Meron dung mga babae na gumagamit nito na nireregla parin. Normal lang po ito. Iba-iba kase ang response ng katawan ng babae. Hindi ito pare-pareho.

🤚Paalala:

✅Inirerekomendang magpakonsulta muna sa inyong pinaka malapit na health center o private OB bago gumamit ng contraceptive na ito.

Maraming salamat mga ka pinoy!..😊😊😊

3
$ 0.00
Avatar for Maria
Written by
4 years ago

Comments