Pamana

0 9
Avatar for Mar16
Written by
4 years ago

Ito ang inaasam ng lahat. Ngunit ang higit na pamana na nais nating makamit ay ang edukasyon na siya lamang ang kayang ipamana sa atin ng ating mga magulang. Na kung hindi dahil sa kanilang mga hirap at sakripisyo ay wala tayo sa mundong ating ginagalawan. Ngunit para sa akin, kagandahang asal ang pinaka magandang pamana ng ating mga magulang sa atin. Dahil anhin mo nga naman ang iyong natapos kung ang iyong ugali naman ay napaka pangit. Ang edukasyon ay nakakamit ng kahit na sino basta gugustuhin nila ngunit ang kagandahang asal ay naituturo lamang sa loob ng ating pamamahay sa tulong na nga ng ating mga magulang. Kung wala sila ay hindi natin maitutuwid ang ating pagkakamali simula pagka bata pa lamang. Maraming tao ang naghahangad ng pamanang kayamanan o kahit na anong materyal na gamit, ngunit ang tanong, madadala mo ba ang mga ito kapag dumating na ang panahon ng paghuhukom? Aanhin mo ang limpak limpak na salapi na iyong minana kung pagka labas mo ng bahay ay marami kang makikitang taong namamalimos at gutom na gutom? Sa kabila ng iyong kayamanan ay hindi matutimbasan ng kahit na anong bagay o kahit na ilang halaga ang kagandahang asal na pupuwedeng maituro sa atin ng ating mga magulang. Ang pagmamahal at pagunawa sa ating mga kapwa ay isa lamang din sa magandang pamana na maaaring ibigay ng ating mga magulang. Kaya habang maaga pa ay matuto ng makuntento sa kung anong kaya lamang ipamana ng ating mga magulang oagdating sa materyal na mga bagay. Mas makakabuti na lamang sa atin na manahin natin ang kabaitan ng loob ng ating mga magulang at ituwid ang mga pangit o hindi maganda nating mga gawain.

1
$ 0.00

Comments