Paasa

0 19
Avatar for Mar16
Written by
4 years ago

Naghahangad ka na mas magiging maayos ang buhay mo sa pinasukan mong trabaho. Ngunit bakit sa gitna ng nararanasan nating pandemya ay iniwanan ka sa gitna ng iyong kumpanya. Nakakadismaya lamang na sa panahong kailangan mo ng kamay na tutuling sa iyo ay sila pang magbabaon sayo sa kahirapan na nararanasan mo ngayon. Madaming usap na nagaganap pero para ipaalam sayo ang nangyayari sa loob ng iyong kumpanya ay hindi man lamang nila magawa. Simpleng text message lamang sana para masabi na may pagasa pa, na may babalikan ka pa ba sa trabahong iyong minahal ng ilang taon. Nguniy bakit ganoon na lamang ang kanilang ipinapakita na parang wala na silang pakialam sa kung anong nangyayari sa iyo buhat ng ikaw ay kinalimutan na nila. Ipinaubos lahat ng pribelehiyo mo, tapos ang kasunod ay ang hindi pagpapasahod sayo ng maayos. Ang mga pinaghirapan mong pera ay hindi mo malasap sa panahon na kailangan ko ang mga ito. Ang kumpanyang inaasahan mong siyang magaahon sayo sa ganitong sitwasyon, wala. Walang maasahan. Ni ho ni ha walang sinasabi. Magugulat ka nalamang pala isang araw wala ka ng babalikan sa trabahong minahal ko naman. Ngunit sila pala ay kaya kang bitawan. Masakit lamang sa pakiramdam at mabigat na ang trabahong iningatan mo ng ilang taon, ay siya ring maglulugmok sayo sa hirap na kung nasaan ka sa ngayon. Ipinaubaya mo ang paglalakad ng iyong mga benepisyong galing sa gobyerno, ngunit sila ay walang ginawa. Madaming idinadahilan sayo na alam mo naman ang katotohanan. Mga kasinungalingang pilit nilang itinatago sa bawat empleyado. Sana ay mabuksan ang kanilang mga mata at damdamin upang hindi sila maging paasa tulad ng iba.

1
$ 0.00

Comments