Paano nga ba maiiwasan ang mga taong plastik? Minsan na rin sumagi sa isipan ko ang tanong na iyan. Una sa lahat, hindi mo malalamang plastik ang isang tao hangga't hindi mo pa ito nakakasalamuha. Kadalasan ang mga taong plastik ay ang iyong mga kakilala, lalo na ang iyong mga kaibigan. Hindi ko naman sila nilalahat pero sadyang may mga kaibigan tayong hindi totoo sa atin lalo na sa mga sekreto na ating pinagkakaingatan. Makikita mo ang tao kapag plastik kung ito ay interesado sa iyong buhay at tanong ng tanong sa kung anong nangyari matapos kanh maging malungkot. Pagkatapos ay malalaman mo nalang na naikuwento ka na pala niya sa kanyang ibang kaibigan din. Kaya magiingat po tayo sa mga pinagsasabihan natin ng ating mga problema, lalo na po sa problemang pagibig. Bibihira lamang ang mga kaibigan na ituturing kang totoo kahit na sino ka pa at ano pa ang katayuan mo sa buhay. Mayroon namang mga tao na unang tingin mo palamang ay mararamdaman mo ng may kakaiba. Bago makipagkaibigan sa mga ganoong klase ng tao, magsiyasat muna at magsiguro. Kung magiging kaibigan mo naman ito ay iwasan na magsabi ng kahit na anong problema lalo na sa pamilya at sa pagibig. Sa dami ng taong nasasalamuha ko sa araw araw ay madali nalamang malalaman kung plastik ang tao o hindi. Kaya bago magtiwala, siguraduhin munang magsiyasat kung sino ang taong iyong kinakaibigan.
0
7