Isang salita na sa karamihan ay masakit pakinggan. Isang salita na kapag binigkas ay nakakapagbigay luha sa ating mga mata. Isang salita na kayang dumurog ng ating mga puso. Ngunit bakit nga ba natin naririnig o nababanggit ang salitang ito? Sa iba ay laru larong salita lamang, ngunit sa karamihan ay napakasakit pakinggan. Hindi mo na namamalayan na nakakasakit ka na pala ng damdamin ng iba. Ngunit my mga pagkakataon naman na kahit hindi man ito sabihin, makita mo lamang ito ay masakit na para sa iyo. Halimbawa, ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay, hindi man sila literal na nagsabi sayo ng paalam, pero mas masakit pa ang biglaan nilang pamamaalam sa iyo. Ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay ay ang pinaka masakit na paalam sa lahat. Sa aking palagay, ang isang paalam ay tanda ng pag alis ng isang tao o pagtutuldok ng isang bagay na nakaukit na sa bawat damdamin ng tao. Kaya aking hiling, kung kayo ay magsasabi ng paalam, pagisipan munang mabuti. Dahil ang salitang ito ay maaaring ikadurog ng isang taong malapit sa iyo..
0
5