0
21
Nagiisa sa isang sulok, hawak ang sigarilyo na siyang nagpapalakas lamang ng aking loob sa panahon ng pandemya. Ang hirap pala ng nagiisa at walang makausap. Iyong tipong ulila ka na, wala ng mga magulang para mayakap sa panahon na kinakailangan mo ng karamay. Wala din ang mga kaibigan para makausap sa kalungkutan na iyong nadarama. Nagiisa ka lamang sa hamon ng kalungkutan na iyong nadarama. Nagmumukmok sa iyong kuwarto. Dala dala ang musika sa aking tenga habang nakasaksak ang instrumento para ito ay tumugtog. Matutulog kapag gugustuhin, magpupuyat naman kapag kinakailangan. Ito nagsusulat sa isang tabi upang maibsan ang kalungkutang aking nadarama. Sa ganitong paraan lamang kahit papaano ay nababawasan ang aking kalungkutan.