Hiling

0 7
Avatar for Mar16
Written by
4 years ago

Sa bawat tao na ginawa ng Diyos, lahat tayo my kanya kanyang kahilingan. Mga kahilingan na minsan ay napaka imposibleng abutin o minsan naman ay iniaasa na lamang lahat sa gobyerno o sa mismong Diyos natin pero ni minsan hindi naman ginagawaan ng paraan. Para sa akin ang hiling ng isang tao ay dapat sinasabayan ng kilos o gawa. Sipag at tiyaga. Ang kahilingan natin ay makakamit lamang kapag ito ay isinasaulo natin na parang isang plano na gusto nating magawa at matapos. Hindi kasagutan ang pagmumukmok na lamang sa isang gilid. Huwag din natin iasa sa ibang tao ang ating kahilingan. Dahil sila man din ay may sariling kahilingan sa kanilang mga damdamin at isipan na dapat din nilang makamtam. May mga kahilingan na napaka imposible nga naman makamit. Tulad ko, kung mahihiling ko lamang sa Panginoon na ibalik ang yumao ko ng mga magulang ay gagawin ko, ngunit alam ko na may plano ang Panginoon kung bakit niya sila kinuha agad. Sa pagpanaw ng aking mga magulang ay natutunan ko ang maraming bagay, lalo na ang huwag magpapaamak sa ibang tao. Natuto akong lumaban kapag alam kong tama at nasa punto ako. Natutong kumayod magisa para sa aking mga plano at simpleng hangatin sa buhay. Isinusulat ko ito, upang mabuksan ang mga mata ng ating mga kapwa kababayan at masabi sakanila na ang kahilingan natin ay maaari lamang makamit kung tayo ay magsusumikap at magtitiyaga sa ating mga trabaho at pinagkakakitaan.

1
$ 0.00

Comments