Dismayado

0 8
Avatar for Mar16
Written by
4 years ago

Ilang linggo ang aking inihanda, ilang papeles ang aking pinagkagastusang iemprenta. Mga nasayang na pera na dapat ay pangkain ko nalamang nauwi pa sa mga imprentang kinakailangan para sa inaasahang tulong galing sa isang ahensiya ng gobyerno. Ilang beses din nakipagusap sa kumpanya sa mga dokumentong kinakailangan, sobrang bagal ngunit wala akong magawa.

Heto na nga ang aking inaabangang araw, na ako may magpupunta dito sa ahensiyang ito upang makipagsapalaran sa maaari sanang matatanggap na tulong. Mahaba ang pila, umaga palang noong ako ay dumating. Ilang oras nakatayo sa ilalim ng sikat ng araw, wala pang tulog at kain. Pawis na pawis at naliligo sa sariling pawis ang aking eksena. Nagbakasakali na kumpleto ang aking mga hulog dahil lahat ng ito naman ay aking pinaghirapan.

Dumating na ang oras na sasabihin kung sino ang kwalipikado o hindj, sa aking pagtataka ay natawag ang aking pangalan sa mga hindi kwalipikadong makatanggao, laking gulat ko ng sabihin nung taong may hawak ng aking papel na ilang buwan hindj naghulog ang aking kumpanya. Nanlumo ako bigla at nawalan ng pagasa dahil ito lamang sana ang aking inaasahan na makasalba sa aking mga problema. Ngunit kumpanya ko lamang pala ang magsisira nito. Maluha luha akong umuwi ng bahay, nanlulumo, walang ganang kumain. Iyong nagiisang tiyansa ko ay nawala pa dahil lang sa ilang buwan na hindi naghulog ang aking kumpanya, ngunit sa aking pagtataka ay kinakaltasan naman ako ng bayad ayon sa nakasaad sa aking sahod.

Pagdating ng bahay, ang lungkot, inis at pagkadismaya ko ay idinaan ko na lamang sa pagiyak. Iniiyak ko lahat ng sama ng aking loob hanggang sa ako ay nakatulog na pala. Pagkagising ko, pinakawalan ko na lahat ng aking nararamdaman na hinaing, ako ay nagdasal ng taimtim. Alam kong hindi ako pababayaan ng Panginoon.

1
$ 0.00

Comments