Buhay sa gitna ng pandemya

1 4371
Avatar for Mar16
Written by
4 years ago

Ito na ata ang pinaka mahirap na karanasan na aking natamo. Simula nang umusbong ang tinatawag na COVID 19 unti unti narin nawalan ng trabaho ang karamihan sa ating mga kababayan. Ako man ay kabilang sa mga hindi nakapag trabaho ng maayos at kinakailangang humanap ng iba pang alternatibo ngunit sa kasawiang palad ay wala naman mahanap. Sa hirap ng buhay sa Pinas, maraming kababayan natin ang nakakaawa dahil hindi sila makapagtrabaho ng maayos. Lalo na sa mga kababayan natin na pamilyado at sakanila lamang umaasa. Napakadelikado nga naman magtrabaho sa sitwasyong ganito, hindi mo namamalayan isa ka na pala sa nahawaan ng sakit na ito. Napaka hirap ipagsapalaran ang iyong kalusugan sa ganitong pagkakataon dahil sa dami ng taong nasasalamuha natin araw araw. May mga ayuda nga na naipapamahagi kaso minsan ay pili lamang ang kanilang binibigyan, hindi makatarungan, hindi kaaya aya sa paningin. Kahit ako man ay napagkaitan din ng mga ayudang ito. Hindi ko sila masisisi, siguro ay mas kinakailangan nila ang mga tulong na ito. Sana ay matapos na ang hirap na ito upang makapagsimula na ulit ang ating mga kababayan na naghihirap sa gitna ng pandemyang ito.

3
$ 0.00

Comments

Mismo sobrang hirap ng panahon ngayon sana matapos na po ito. In jesus name.

$ 0.00
4 years ago