Bakit may mga taonh hindi makuntento?

0 34
Avatar for Mar16
Written by
3 years ago

Unahin natin sa larangan ng pagibig. Bakit nga ba marami ang hindi makuntento sa kung anong meron at kayang ibigay ng bawat isa? Bakit kailangan pang hanapin sa iba ang pagkukulang ng iyong kinakasama sa buhay? Hindi ba puwedeng punan mo nalamang ang pagkukulang na meron siya para manatiling masaya ang inyong pagsasama? Kaya mo nga siya minahal ay dahil dapat kuntento ka sa kung anong meron kayong dalawa hindi iyong maghahanap ka para lamang mapunan ang pagkukulang ng iyong kinakasama. Sa pagmamahalan sadyang meron talagang pagkukulang iyan, hindi naman tayo perpektong nilalang. Lahat tayo ay nagkakamali rin at sa bawat pagkakamali ay maaari pa nating itama ito. Hindi sagot ang paghahanap ng iba para lamang masabi na nagkukulang ang iyong mahal sa buhay. Kung kinakailangan na magtulungan kayo para mas mapabuti ang inyong relasyon, iyon dapat ang gawin. Hindi sapat na dahilan na isuko mo siya ng basta basta.

1
$ 0.00

Comments