Simula makahawak ako ng manibela ng motor noong ako ay pitong anyos pa lamang ay doon ko naramdaman sa sarili kong gustung gusto kong magmotor. Hindi ko akalain na sa edad kong dose ay magkakaroon ako ng pagkakataong makapagmaneho. Isang Raider 125 pinaka unang bersyon ang una kong nahawakang manibela, nagpaturo lamang ako kung paano paandarin. Pagkatapos noon ay nagustuhan ko ng magmotor. Ibang iba ang pakiramdam kapag nagmomotor ka, haplos ng hangin sa katawan mo, fresh air ika nga dahil ako ay nasa probinsiya. Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataon na ako ay ibinili ng tatay at nanay ko ng motor, una Honda wave 125 hindi pa uso ang tinatawag nilang awtomatik. So, padyak lamang. Ang sarap sa paakiramdam. At noong ako ay nagtapos ng sekondarya ay niregaluhan ako ng tatay ko ng pinaka gusto kong motor ang Suzuki Raider 150 ang pinaka unang labas. Swabeng swabe ang dating. Sarap sa pakiramdam, mabilis ang takbo at dagdag pogi na rin. Ngunit sa kabila ng kagandahan magmotor, may dulot parin itong peligro. Ilang beses narin akong naaksidente, muntikan ng mabuwis ang buhay. Pero sa awa ng Diyos ay nakakaligyas parin. Sa ngayon, bago na ang motor ko isang Hobda Clicl 125i. Galing sa manwal ako ay nag awtomatik na dahil ako ay naninirahan na ngayon sa Maynila. Ibang iba ang pakiramdam ng pagmomotor sa probinsiya. Subalit kahiy ganoon ay masarap parin magmotor kahit nasaan ka man, basta lagi lamang tatandaan na magiingat po tayo aking kapwa ka motorista. Sana ay nagustuhan ninyo ang munting kwento ko.
0
7