Nakakagulat ang mga Itinagong Lihim ni Jose Rizal (Mga hindi mo alam tungkol kay Rizal)

0 25
Avatar for Malus
Written by
3 years ago

Makikita ang kaniyang pangalan sa mga barya l, monumento, kalsada, paaralan at kahit sa mga damit. Si Jose Protasio Rizal Mercado Y. Alonso Realonda or Jose Rizal ay isa sa pinaka respetadong bayani sa ating kasaysayan na malaki ang naging ambag sa pagkamit nang ating kasarinlan. Halos alam na ito ng karamihan bukod sa mga basic information na alam natin tungkol kay Rizal napakarami pa palang bagay na hindi natin labis na nauunuwaan tungkol sa kaniya.

Kung tatanuningin kita ngayon gaano mo kakilala si Jose Rizal? Ngayon ay magbubunyag tayo ng ilang mga lihim ni Rizal at ilan pang bagay na malamang ay hindi naituro sa atin sa eskwelahan.

Alam niyo ba na may tatlong uri ng hayop na ipinangalan kay Rizal mismo? Ito'y matapos siyang ipatapon sa dapitan noon nakadiskubre siya ng tatlong uri ng hayop at insekto ito ay ang sumusunod...

APOGONIA RIZAL
DRACO RIZALI
RHACOPHORUS RIZALI

Alam niyo ba na ang monumento ni Rizal sa Luneta ay hindi Filipino ang may gawa, ang diseniyo nito ay galing sa isang swiss sculpture na si Richard Kissling. Na nanalong 2nd prize sa Art competition noong 1907. Ito ay isang competition kung ang itatanghal na manalo ay magiging scale model ang kanilang ginawang Art piece sa noo'y Itatayo pa lamang na monumento ni Rizal, pinili ang gawa ni Richard Kissling, na 2nd prize lang dahil gawa ito sa granite at bronze di hamak na masmura kaysa sa gawa ng First prize na gawa ni Carlo Nicoli na yari naman sa marmol . Pagmasdan ang larawan ng front view ng clay model ng monumento.

RICHARD KISSLING
RIZAL MONUMENT SCULPTURED BY RICHARD KISSLING

Dahil sa itinuturing na henyo si Jose Rizal alam niyo ba sa edad pa lamang na labing apat ay nakapag lilok na si Rizal ng isang 9 inches na estatuwa ng SACRED HEART. Ito ay gawa sa kahoy na batikulin, binili ng isang Pare ang estatuwa nito noong binisita nila si Rizal taong 1896. Bukod sa estatuwa na gawa sa kahoy nakagawa din si Rizal nang apat napong masterpiece na gawa naman sa plaster, terakota, wax at clay.

Isang estatuwa na gawa sa terakota na iniregalo niya kay Father Pablo Pastels ito ay ay sarili niyang interpretasyon kay SAINT PAUL, na ayon sa kasaysayang Relihiyong Katoliko ay kauna unahang Kristiyanong ermintaniyo.

EL ERMINATÑIO

Sa panahon ng pagaaral ni Rizal sa espanya ay nakaranas siya ng kagipitan pagdating sa pinansiyal. Nagawa niyang magsangla ng isang singsing na pagmamay ari ng kaniyang kapatid para lamang mabayaran ang kaniyang pagsusulit. Subalit ang mga ito ay inilihim lamang niya sa kaniyang pamilya na nasa Pilipinas. Ang ipinaaabot lamang niya sa kaniyang sulat para sa pamilya ay pawang matataas na grado lamang at mga tagumpay.

Alam niyo ba na minsang tinagurian si Rizal na Ama ng Philippine Comics si Rizal dahil sa isang comics na kaniyang ginawa noong siya ay nasa Germany, at pinamagatan itong "THE BAPTISM OF TWO BROTHERS". Ginawa niya ang mga comics upang libangin ang mga anak ng may ari ng bahay na kaniyang tinutuluyan. Ang orihinal na kopya ng naturang ilustrasyon ay nasa pangangalaga ng National Library of the Philippines.

Alam niyo ba na nagkaroon ng promisyon si Rizal sa kanyang sasapiting kamatayan? Sa kaniyang diary noong january 1, 1883. Ikinwento niya na nagkaroon siya ng masamang panaginip, sa kaniyang panaginip ay isa siyang actor na umaarteng namamatay sa mahirapan na itong makahinga at nagdilim ang kaniyang paningin, labing tatlong taon (13) ang lumipas sa parehong araw at petsa ng kaniyang panaginip ay hinatulan siya ng kamatayan. Ayon sa kaniyang Biographer marami pang insidenteng naisulat sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang umano'y totoong nangyari kay Rizal.

Alam niyo ba na noong nakaraang siglo may isang sikat na brand ng sigarilyo sa binondo na inilagay ang mukha ni Rizal sa pakete mismo bilang pangunahing disenyo sa pabalat ng kanilang produkto.

Sa mga hindi nakakaalam si Rizal ay mataas na 5ft 3 inch at kaniyang weistline ay 25 hanggang 26 inches lamang.

Napakaraming mga sikat na nobelang naisulat ni Rizal gaya na lamang ng El filibusterismo at Noli me tangere, subalit alam niyo ba mayroon din siyang isang nobelang hindi na tapos? Ito ay ang "Makamisa" inumpisahan niya itong isulat taong 1892 sa hongkong pero ayon sa mga historiador hindi naman talaga makamisa ang pamagat ng naturang nobela ito'y title lamang ng unang chapter ng kanyang nobelang tagalog na hindi natapos.

Alam niyo ba na minsang sinulatan ni Jose Rizal ang kanyang sweet heart na si Leonor Valenzuela, gamit ang invisible ink. Mababasa mo lamang ang sulat kapag itinapat sa liwanag ng ilaw. Habang nananatili si Rizal sa dapitan naisulat niya ang "La Curacion de los hechizado" o ang gamot para sa mga 'Kulam' ilan lamang ang nakakaalam sa isinulat na ito ni Rizal na tungkol sa Psychological Treatment tungkol sa kulam, ipinaliwanag niya pa rito na ang mga mangkukulam ay hindi na lamang mga matatandang babae. Ipinaliwanag din niya ang pagkakaiba ng hiluwanan ng visayas na nilalason ang kanilang biktima at manggagaway ang tradisyunal na mangkukulam na gumagamit ng manika at karayom.

Alam niyo na hindi din nakaiwas si Rizal sa mga nakapangingilabot na karanasan, habang siya ay nasa dapitan pinagparamdanan di umano sila ng isang "POLTERGEIST", at target umano ng poltergeist ay ang kaniyang asawa noon na si 'JOSEPHINE BRACKEN'. Pinaniniwalaan nila na ang poltergeist ay hindi matahimik na kaluluwa ng ama ni Josephine Bracken, may isang pagkakataon pa nga ng tanungin ni Josephine ang poltergeist kung ano ba ang gusto nito bigla na lamang lumipad at nagbagsakan ang mga plato, tasa, takure at iba pa. Nasaksihan mismo ito ni Rizal at ng iba pang mga tao.

Sa mismong oras na babarilin si Rizal walong sundalong Pilipino ang naatasang barilin siya. Sa likod ng walong sundalo ito ay may walong sundalong kastila din na handang barilin ang mga Pilipinong sundalo kung hindi nila babarilin si Rizal.

Alam niyo ba na hindi lahat ng mga labi ni Rizal ay nakalagap sa ilalim ng kaniyang monumento sa luneta? Isang piraso ng kanyang backbone na mismong parte na tinamaan ng bala ay kinuba ng pamilya na ngayon ay nakadisplay sa Rizal Shrine sa fort santiago.

"CONSUMATUM EST" ito ang huling salita ni Rizal bago siya barilin sa bagong bayan noong Diyembre 30, 1896. Nangangahuluhan itong tapos na ang mga salitang ito ay pinaniniwalaang ay ang huling salita din ni 'Jesus' bago siya mamatay sa pagkakapakonsa kruz.

Alam niyo ba na ang firing squad sa pagpatay kay Rizal ay may aso. Ito ay nagpatakbo takbo sa paligid ng bangkay ni Rizal matapos siyang barilin.

May malinaw na huling habilin si Rizal bago siya mamatay ito ay ang nais niya sanang mangyari sa kanyang katawan matapos siyang barilin.

1
$ 0.00
Avatar for Malus
Written by
3 years ago

Comments