Kapistahan ng Birhen Milagrosa ng Santo Rosario ng Orani

0 11
Avatar for Makooo
Written by
3 years ago

Ngayong araw ay ipinagdiriwang sa aming lalawigan, Bataan, ang kapistahan ng Birhen Milagrosa ng Santo Rosario ng Orani sa bayan ng Orani, Bataan. Naging tradisyon na ng aming pamilya na dayuhin ang mapaghimalang birhen na ito subalit naudlot dahil sa pandemya. Dinarayo ito ng mga deboto dahil sa mga milagro at himalang ipinamamalas nito. Hindi lamang sa mga mamamayan ng Bataan kundi maging ng mga kalapit probinsya tulad ng Pampanga, Bulacan, at Zambales kung kaya naman nagiging pangunahing pilgrimage site din ito ng mga nagsasagawa ng Visita Iglesia sa Gitnang Luzon.

Ang mapagmilagrong estatwa na ito na tinatawag ding "La Virgen Milagrosa" ay pinaniniwalaang inukit ng isang aliping Griyego na nagngangalang Pere Morey noong 1370. Dinala ito ng mga paring Dominikano sa Bataan noong 1587 at ginamit upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo at ang paggamit ng rosaryo. Isa sa mga milagrong ipinakita nito ay noong taong 1644 nang minsang natagpuan ito sa puno ng Camachile matapos mawala sa altar na kinalalagyan nito. Tatlong beses itong nangyari kung kaya naman sa eksaktong puno na iyon ipinatayo ang altar kung saan ngayon ito nakalagak.

Isa pa sa himalang ginawa nito ay noong minsang magkaroon ng locust plaque noong taong 1718 sa lalawigan. Lahat ng mga dapat gawin ay ginawa na ng mga mamamayan upang maiwaksi ang mga insekto at ang huling paraan na lamang na kanilang nakikita ay ang pagdarasal sa Birhen Milagrosa. Walang ano ano'y isang malakas na hangin ang umihip na siyang dahilan upang matangay ang mga insekto patungong karagatan. Dahil dito, mas lalong sumidhi ang pananampalataya ng mga tao sa mapaghimalang birhen. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy itong dinarayo ng mga deboto.

Birhen Milagrosa ng Santo Rosario ng Orani, ipanalangin Mo kami

1
$ 0.00

Comments