Motivational
Kaya pala nung bata tayo pinapatulog tayo sa hapon kasi kapag tumanda na, namamalimos ka na ng tulog at pahinga.
Kaya pala pinapakain tayo ng gulay noon para sa pagtanda mas malakas nating harapin ang mga pagsubok na kaakibat ng paglago natin ngayon.
Kaya pala hinahayaan tayong maglaro noon kasi mas seryoso na at hindi na pala biro ang buhay ngayon.
Kaya pala iniingatan tayo noon na hindi masugatan at madapa kasi sa pagtanda mas masasaktan pa pala tayo.
Kaya pala tinuruan tayong maglakad noon kasi sa pagtanda masyadong malawak yung kailangan nating tahakin sa buhay.
Kaya pala galit na galit mga guro noon kapag maingay tayo kasi sa pagtanda, mahalaga pala ang matuto tayong makinig at hindi ang bumunganga.
Kaya pala lima o sampung piso lang baon natin noon para mapahalagahan ang bawat sentimong kikitain, na ang kapalit ay pagod at sakit ng kasukasuhan natin.
Kaya pala kailangang sabay sabay kumain noon, kasi darating pala ang araw, na mag isa ka nalang kumakain sa hapag ngayon.
Kaya pala palagi tayong karga ng mga magulang natin kasi kapag tumanda, walang ibang bubuhat satin kundi sarili lang natin.
Kaya pala yung mga magulang natin ayaw tayo malingat sa paningin nila noon, dahil taon bago ka nila makasama ngayon.
Kaya pala hinahayaan tayong kumain ng matamis noon kasi may pagkakataon na mapait pala ang buhay ngayon.
Kaya pala hinahayaan tayong mangarap nung bata tayo, kasi kapag tumanda mapapagtanto mo na posible palang mangyari lahat ng bagay kung pagsisikapan mo.
KAYA PALA MASAYA TAYO NOON KAHIT WALA TAYONG GAANO PERA KASI HINDI PALA MABIBILI NG PERA ANG TOTOONG SAYA NA KAILANGAN SA BUHAY NATIN NGAYON.
“ LAGI NATIN TATANDAAN “
PEACE OF MIND at MABUTING KALUSUGAN, ang tunay na kayamanan at kailangan para masabi na masaya ang ating buhay ngayon.
Goodvibeslang 🥰 #depressionawareness