It's a fly day

0 20
Avatar for Maishe
Written by
2 years ago

Fly day term namin yong nag aaral pa ako noong my highschool days.

I have one happy kid about going to school

It'aa FRI YAY:(

Balak ko sana mag sulat noong 1st day school august 22,2022 kaso wala akong sariling cellphone kaya hindi ko nagawang magsulat balak ko sana e share yong 1st day of school. Naks (balik aral ako?) Nope hindi ako! actualy yung panganay kong anak na babae.

Gusto kulang e share kasi ni minsan ay hindi nya naranasan mag face to face classes. Napaka excited nya noong 1stday of school,lahat naman sigurong mga bata ay excited pumasok pag bagong pasukan pah!

Yong anak ko kc gusto talaga nyang mag face to face sa elementarya kc tatlong taon cya sa kinder yung nag limang taon na cya grumaduate cya sa kinder at gusto na cyang pumasok sa pre- school inenrol ko cya sa pre-school ang saya saya nya noong mga panahon nayun kc ang gaganda nang mga classroom ang daming mga decoration, yun yata ang nakapag excite sa kanya? Kc yung daycare sa amin simpre dito kami nakatira sa midyu malayo sa kabihasnan sa purok lang cla nag nag aaral. Kaya gusto na talaga nya mag aral sa ibang school sa elementarya kc ang gaganda nang mga classroom. Ayun inenrol ko nga cya sa pre school kaso hindi cya natanggap kc daw nagbago na nang curriculum kahit nag graduate na cya sa daycare hindi tatanggapin pag hindi pa tumuntong nang six years old ang bata. Nagmakaawa ako sa teacher na baka pwede pa sana kc nakita ko yung anak ko na natuwa kc nakita na nya yung mga ka batchmate nya sa daycare.

Kaso hindi talaga pwede wala akong nagawa. umuwi nalang kami, damang dama ko ang lungkot nang anak ko noong mga panahon nayun. Noong papunta palang kami sa school malakas cyang lumalakad noong pauwi na kami hindi na naglakad. Binuhat ko nalang pauwi, ang bigat pa naman!

Inenrol ko ulit cya sa daycare! Ayaii ayaw na daw nya mag aral.

Makalipas ang isang taon pwede na cya mag pre school, excited na naman cya mag aral. Inenrol ko naman cya. Ayun! Lintik na pademya na covid- virus2019! Hindi naman nakapag aral ang anak ko ee wala tayung magawa ,walang face to face mag modular nalang ! Almost two years cyang nag mumodule hanggang nag grade-1 cya.

At itu ngayun grade 2 na cya kung ano yung lungkot nya noong hindi cya nakapag aral . Damang dama ko rin ngayun kung anong saya nya ngayun.

Ang aga nya gumicing at naligo. Ang bag nya at gamit sa school gabi palang ay nakahanda na.

Sana hindi lang ngayun sya excited mag aral.

-1
$ 0.01
$ 0.01 from @MaritessNgBuhayMo
Avatar for Maishe
Written by
2 years ago

Comments