Cheating is a choice not a mistake

0 25
Avatar for Maishe
Written by
1 year ago

Cheating is a choice,not a mistake. Bago tayo magcheat sa karelasyon natin,isipin natin ng maraming beses kung deserve ba niyang lokohin.Isipin mo yung mga sacrifices niya para sayo.Lagi mong tatandaan kung paano niya alagaan ang relasyon na binuo niyo.At itanong mo rin sa sarili mo kung worth it ba yung panlolokong gagawin mo.

May mga times na oo natutukso tayo sa mga tao sa paligid natin,dahil sa sulsol ng barkada,dahil tukso mismo ang lumalapit,o dahil sa nachachallenge lang tayo o kaya nabobored o pwede ring gusto mo lang subukan. Pero bago mo gawin yun,balikan mo yung reason kung bakit ka nagcommit sa relasyon na yun,kung bakit naging kayo,kung ano yung mga nagawa niya para sayo.Tandaan mo kung paano ka niya paulit-ulit pinipili,ipinaglalaban,pinapatawad,tinatanggap at minamahal.

Yung tukso nandiyan lang yan.Yung tukso lumalapit lang sa taong mahina at hindi sigurado.Yung tukso nagiging matagumpay lang yan pag hinayaan mong pumasok sa sistema mo,pag nagpadala ka,pag tinanggap mo sa buhay mo.

Sa oras na nagcheat ka,huwag mong kalimutan kung ano yung mga magiging consequences sayo,at lalong lalo na sa taiong mahal mo.Isipin mo yung masisirang tiwala at mawawasak na relasyon niyo.

Huwag mong ipagpapalit yung taong mahal na mahal ka sa panandaliang saya.Matutong makuntento,huwag mong hanapin sa iba yung mga kakulangan niya.At kung sa pakiramdam mo kulang pa yung kaya niyang ibigay sayo,ikaw na sana ang bahalang pumuno.

Goodvibeslang 🥰 #payo#hugot #love #cheating

1
$ 0.73
$ 0.73 from @TheRandomRewarder

Comments