Mahilig ka ba sa pusa? Ako last year lang,nung una wala talaga akong balak mag-alaga ng pusa,sa tingin ko pa nga nun di pa ako ready mag-alaga. Kasi nung nagtry ako one week lang,eyoko na!! Grabe kasi kung san-san dumudumi sa bahay! Ei nakakapanggigil kaya. Sobrang inis talaga ako nun, kaya ipinamigay ko na lang sa kapitbahay!! Napakapasaway kasi nung pusa na yun,kahit kuting pa lang! Ang sarap tirisin!!
Pero yung makakita ulit ako ng kuting,yung bunso ko pa lang anak nakakita ng kuting. Sabi nya sakin kunin ko daw. Kinuha ko naman, mabait yung kuting tapos sobrang lambing. Muta muta pa nga yun nung pinulot ko. Pinaliguan ko sya twice a week ayun na nga nawala na yung pagmumuta nya. Ang linis nya nga tingnan. Napamahal na rin ako sa kanya. Kasi pag natutulog na kami lagi sya sa tabi ko sa ibabaw ng tiyan ko sya natutulog. Parang ang sweet nya kasi,nakakatuwa!! Saka di sya makalat, sa cr talaga sya dumudumi o kaya sa labas. Di ako nahirapang alagaan sya. Sabi nga ng byenan ko ang linis daw ng pusa ko,take note wala po syang lahi!! Saka pag umiiyak ang anak ko sa gabi,yung nag-iinarte lang,alam nyo naman yung mga bata pag nag-ianarte,haha. Bigla na lang lumapit yung pusa ko sa kanya tapos yumakap as in nakayakap talaga!! Napatahan nya ang anak ko dun ah. Ang sweet ng ginawa nya!! Pag may umiiyak bigla na lang syang lalapit,patatahanin nya.
Dahil babae ang pusa ko nabuntis sya,yung first babies nya namatay sila di ko alam kung bakit. Wala naman kasi ako nung nanganak sya. Everyday na dedead. Nakakalongkot. Pero nabuntis ulit sya,anim na kuting !! Alive naman silang lahat!! Ipamimigay ko na nga sana,kaso yung 3kids ko nagkanya kanya ng kuting! Gusto may sarili silang pusa!! Nakakaaliw rin naman kasi sila,lalo na pag naghahabolan. Tuwang tuwa ang mga anak ko. So dalawang kuting lang ang naipamigay ko,yung apat nandito pa rin samin,nagkukulit. Nakakawala rin naman kasi ng strees. Kahit papano napapasaya kami ng mga pusa,sa panahong bawal lumabas,hahaha.
Nasobrahan na kami sa pagkahilig sa pusa. Yung asawa ko kahit ayaw sa pusa, walang magawa ei. Mukhang buntis na naman yung pusa ko. Tsk mukhang mapaparami yung pusa ko nito 😅 . Ipamimigay ko na talaga sila,walang makakapigil sakin!!ahaha. Di ko na kaya pag nadagdagan pa to hahaha 😂😂😂😅😅😅.
hello po kami dito sa amin madami alaga mga 7 po ata ahahaha maingay sa gabi kakairita pero ok lng din naan po kc malapit kami sa looban kaya hindi kami inaahas