Nakakarelax ang mag bike!!

0 8

Ikaw ba ay mahilig magbike tulad ko? Edi magkakasundo tayo 😅. Pag nagbabike ako narerelax ako,yung feeling na walang problema,yung kahit papaano nakakapasyal ako gamit ang bisekleta ko. Di man kagandahan ang bike ko, napapasaya naman ako nito. Wait ka lang pagnagkapera ako maaupgrade na kita haha 😅.

Malaking tulong sakin ang bike ko,lalo na nakakatipid ako sa service ng mga anak ko, ako na lang naghahatid sundo sa kanila sa school nung wala pang covid-19 pandemic. Nakakamiss ang mga araw na yun,kahit papano nakakalabas ako ng bahay nakakapamasyal. Sa tuwing ihahatid ko ang anak ko sa school nun, dadaan muna ako ng bukid ,as in nililibot ko ang bukid. Ang ganda kaya ng tanawin,yung puro green lang makikita mo,taz yung amoy ng hangin iba. Ang lakas pa ng hangin,kahit malayo yung nililibot di ako napapagod.

Tuwing hapon nun,nagpupunta kami ng mga anak ko sa bukid,diba bongga tatlong bata naangkas ko sa bike ko. Di naman ako nahirapan,may pasadyang angkasan naman ang bike ko na makakaupo ng maayos at komportable ang mga anak ko. Nagpupunta kami dun,kasi maraming meriendang binebenta sa bukid,at saka dun na rin ako bumibili ng mga gulay. Mas maraming tinda dun tuwing sabado't linggo. Marami kasing nag-eexercise dun. Marami rin bilihan ng pagkain,ahaha. So pumupunta ako dun di dahil sa gusto kong mag-exercise kundi gusto ko lang bumili ng mga pagkain dun 😂😅. Nakakapagexercise na rin naman ako sa pagbabike diba?ahaha .

Malaking tulong sakin ang bike ko, pag namamalengke ako at nag gogrocery, nagbabike na lang ako nun, di na kasi uso yung tricycle simula ng maglockdown. Saka keri naman ng bike ko kahit marami akong bilhin, saka exercise ko na rin ang pagbabike.

Nakakamiss!! Ang mga panahon na nakakalabas at nakakapamasyal kami ng mga anak ko gamit ang bike ko. Ngayon ako na lang mag-isa ang nagbabike di na sila kasama. Sana bumalik na ang dati at matapos na ang pandemic na to.

PS: di kasama asawa ko sa pamamasyal, nasa work sya nung time na yun 😅😉.

1
$ 0.00

Comments

May malaking pakinabang talaga ang bike! Maliban sa mag eenjoy ka sa pagsakay nito.mayroon pa itong benepisyo sa ating Matawan..ito din ang service ng mister ko't lalo na walang transformation ngayon..malaki talagang tulong ang bike.

$ 0.00
3 years ago