Working Student Ako

0 16
Avatar for Maickee
3 years ago

Yes! Working Student ako! 😁🙏 Ever since high school until college, yes, naging working student ako. Imagine being far from your family for a long period of time, goodness, nakakawasak minsan ng puso't isip (OA masyado 😂). When I was still in high school, pinapangarap ko talagang maging honor student, though naging with honors naman for almost 20 sections sa buong campus (yabang 😂 top 20 eh). Hindi naging madali dahil sa murang edad dapat marunong ka ng magbalanse ng oras, magluto (buti natuto ako nito haha), adjustment na maging independent dahil wala kang makakapitan kundi sarili mo lamang, wag magagalit (dahil baka mapahinto sa pag-aaral 😅), magsinungaling (minsan lang naman eh 😂 gala2 you know), at puyatan! Lalo na pag may bisita sina bossing hehe. FF >> COLLEGE (eto talaga magkakaalaman na 😂) First year college - start na talaga. Ang tuition mamen haha, ang laki. Oo malaking amount na yung 7k sa first sem uy 😂, dito nagstart na akong mag doubt kung makakatapos ba ako dahil sa tuition. Umabot pa sa point na umiyak na ako dahil nahihiya talaga akong humingi ng tuition fee. Ang hirap (first year pa yan 😂). Second-third year college - smooth naman haha kahit na natuto akong humingi ng financial assistance sa mga politician (mayor! Salamat 😂). May time na nagsinungaling ako dahil hindi ako naka-cut off ng major ko 😅. Fourth year - this time OJT na, summer classes, field trip (10k 😅). Goal ko talaga dito, dapat 4 years lang ako sa college (granted 🙏). Marami pang kaganapan sa pagiging working student ko. Baka maging MMK pa to sa haba hahaha 😂 Through ups and downs, HE is with me. PRAYER IS THE BEST WEAPON 🙏. Wag mong ikahiya kung akong dinanas mo para lang makatapos ka sa pag-aaral. Kung pursigido ka, mananalo ka, lalo na pag kasama mo SIYA ☝️. 2013 - I graduated from College BSBA-Financial Management (at sa aming 4 na magkakapatid ako lang ang naka-graduate at super proud sila dun kasi nakayanan ko lahat kahit na ilang beses ko ng gustong huminto 😔). Present - currently working as a Medical Records Officer for almost 8 years 😁. And YES, NAGING WORKING STUDENT AKO! PROUD TO BE 🥰🙏

1
$ 0.00
Avatar for Maickee
3 years ago

Comments