45 tips How to passed and make a higher grades

0 14
Avatar for MICHAELTV07
3 years ago

45 TIPS PARA TUMAAS GRADE MO SA EXAMS

1. Kumain ka ng mani, totoong nakakapag patalino ito dahil yung mani nakakapagpakapal sya ng myelin sheath natin, kapag makapal ang myelin sheath mabilis magtransmit ang mga nerve impulses papunta sa utak natin ibig sbihin mas mabilis mo magegets o maalala ang binabasa mo.

2. Kung inaantok ka o pagod ka, wag mo na ituloy ang pagbabasa, hindi yan papasok sa utak mo.

3. Best time mag review tuwing madaling araw, dahil mas active ang utak natin tuwing paaga na at kakagising mo lang.

4. Gumamit ka ng mnemonic device. Para mas mabilis mo maalala ang isang bagay.

5. Kapag magrereview, wag ka mag ccp, isakripisyo mo yan kahit isang araw makapag focus ka sa binabasa mo, kapag nag ccp ka habang nagrereview 50% lang maalala mo o kaya unti lang ,di tulad ng todo review ka maalala mo yan kung binasa mong mabuti at kung walang interruptions.

6. Gumamit ka ng flashcards, ito yung paraan na agad agad papasok sa utak mo kahit nasa jeep ka pwede ka mag review kasi handy lang yun.

7. Kumain ka ng chocolate, mas maganda dark chocolate bago ka mag exam nakakpag boost sya ng energy para hyper ka sa exam at di ka antuk antukin para ganahan ka, pwede syang substitute sa kape kung inaantok ka na kakareview dahil naggccontain sya ng caffeine.

8. Gumamit ka ng YELLOW HIGH LIGHTER dahil mas mabilis maalala ng utak mo ito kesa sa ibang kulay ng hi lighter.

9. Kapag nahihirapan ka mag focus sa ginagawa mo at maingay sa paligid mo.Makinig ka ng music yung instumental, dahil may mga alpha waves yun iheadset mo na lang. Na try ko na to, effective habang nagrereview ako nakikinig akong ng insrumental music. ayos naman grade ko

10. Gumawa ka ng notes na straight to the point. example meaning ng

What is anatomy? = The branch of science concerned with the bodily structure of humans, animals, and other living organisms, especially as revealed by dissection and the separation of parts.

Diba mahaba ? Ito gawin mo paikliin mo.

Anatomy = means to cut/ dissect.

Mas madali sya kabisaduhin dahil hindi gaano mahaba.

11. Tandaan mo yung kahit isang word lang, kung madaliang review at agad agad ang exam/quiz tandaan mo ang isang word . Pag naalala mo ang isang word pramis alam mo na yan. Na tryko na yan effective sobra gumamit ka ng hi liter na yellow . Ihighlight mo yung name ng ANATOMY at isang word kunwari DISSECT. kahit mahaba pa ang tanong basta nakita mo na sa choices yung dissect yun na.

12. Kapag math naman, kabisaduhin mo ang formula at ulit ulitin mo sagutan, gumawa ka ng example mo mismo na ikaw ang sasagot double check mo rin kng tama ba.

13. Kapag nagbabasa ka, gamitan mo ng bibig, hindi isip lang para nauulit rin ng utak mo yung sinasabi ng bibig mo at maalala mo pag exam time na.

14. Kumain ka ng apple kaysa sa kape, mas magandang pampagising at hindi ka agad aantukin dahil nag ccontain ito ng fructose / sugar. May carbohydrates din ito para sa energy. Para mas healthy.

15. Kapag nagrereview ka, ngumuya ka ng chewing gum, (JUDGE) at kapag exam na kainin mo yung chewing gum na ginamit mo nung nagrereview ka bakit? dahil may epekto ito sa isip ng tao, na maalala mo yung binasa mo kapag natikman mo ulit yung chewing gum na nginunguya mo (Na try ko na to, effective din kaso ingat sa proctor dahil bawal ang pag nguya ng chewing gum sa examination day, patago lang takip ka bibig gamit panyo kunwari mabaho katabi mo)

16. Kapag examination day, galit galit muna sa mga kaklase, wag ka muna mag chika mag focus ka agahan mo pumasok wag ka magpapalate. At ireview ulit ang sarili mo, o gusto mo magpa tanong ka sa kaklase mo para alam mo kung ano pa yung mga di mo alam .

17. Wag ka umasa sa kaklase mo, ikaw mismo makakatulong sa sarili mo. Mag review ka. Mas masarap makakuha ng grade na ikaw msmo naghirap at nagpakapuyat.

18. Gumawa ka ng inspirational message na sticky note idikit mo sa ID mo. Kunwari "KAYA MO YAN FIGHTING" para mamotivate ka mag aral, pati sa ballpen mo lagyan mo rin ng note na "GOODLUCK FUTURE DOCTOR" o ano man yung course mo. Para ganahan ka mag aral. smile emoticon(EFFECTIVE TO HINDI KA SUSUKO SA EXAM )

19. Syempre mag simba ka muna, magdasal humingi ka kayLord lakas, at kaalaman para makapag review. Nothing is impossible with God, samahan mong tyaga. Magbubunga pinaghirapan mo. :)(ITO ANG PINAKA EFFECTIVE KESA SA LINE NA "BAHALA NA SI BATMAN ")

20. Set a side mo muna friends mo kapag exam time wag ka na gumala kung ayaw mo pati grade mo nganga, wag ka rin maniwala sa line na STOCK KNOWLEDGE lang pwede na dahil minsan na i sttuck na lang talga yan at di mo na maalala.

21. Kailangan yung lugar na pagrereviewhan mo hindi magulo, dahil kung magulo magiging magulo din utak mo. Kung pwede dun ka sa kwarto na kulay blue at green dahil relaxing at gaganahan ka rin magreview.

22. Matulog ka ng maaga, magising ka ng 1am para mag review promise lahat ng irreview mo papasok sa utak mo. Madaling araw ka magreview ( ganto time ko ng pagrereview) tahimik pa walang ingay.

23. Tumingin ka lagi sa sylabus, dahil minsan yung mga exam nanggaling dun sa mga topic/ chapters para din hindi ka mghahagilap kung ano ba irereview mo. Minsan nasa libro din yan,kaya basahin momabuti. Kung maari humingi ka yong POINTERS TO REVIEW sa prof niyo. May ibang prof na madadamot, kaya sipagan mo na lang.

24. Makinig ka sa prof mo, minsan yung mga sinasabi ng prof yan yhung mga lumalabas sa exam . take good notes, at mag pay attention sa klase,minsan yung wala sa libro yun ang shinishare ng mga prof sa inyo.

25. Mag practice practice ka ng paulit ulit, kapag nabasa mona yung reviewer mo,tanungin mo sarili mo. Takpan mo yung dine-define tas hulaan mo kung ano yun, paulit ulit sa lahat. Tapos baliktan, takpan mo yung definition ikaw mismo magdefine (ito pinaka ginagamit ko tuwing exam, effective mas natatandaan ko)

26. Take a break, kailangan ng utak mo ang break kapag nag rereview ka, wag mo istress in sarili mo. Kapag na istress ka, mag sshrink ang utak mo tapos hindi ka na makakapg focus. Kumain ka ng mga sweets para mag boost ang energy, chocolates magtabi ka sa gilid.

27. Uminom ka ng maraming tubig bago ang exam, nakaka stress ang exam lalo na pag mahirap baka madehydrate ka kakaisipat di makapag focus dahil sa sakit ng ulo. Magdala ka ng water bottle.

28. Pag exam time na, Ekisan mo yung mga wrong choices para makapilika ng the best na sagot hannggang maalala mo kung ano yung tamang sagot.

29. humanap ka ng ibang sources ng reviewer. sa kabilang rooom mo, minsan iba ibang section iba rin ang binibigay na reviewer mas maganda na makibalita ka sa kanila:) [advantage ng marming kaibigan marami kang mahihiraman na notes. may hi lites pa]

30. Wag ka mahiya magtanong sa prof mo kung meron kang hindi naintindihan sa klase. Wag ka magtanong sa katabi dahil baka mali yung narinig nya namali ka pa.

31. Take a nap, wag mo masyado pagurin sarili mo kapag nagrereview ka. Kapag nag take ka ng nap, pag gising mo ready na ulit mag accept ng new information yung brain mo.

32. Kumain ka ng mga pagkain na rich in OMEGA 3 FATTY ACIDS o DHA((docosahexaenoic acid)) nakaktulong din ito maimprove ang learning skills natin, nakaktalino to nakapag improve ng cell function ng utak natin. DHA ay mataagpuan sa mga seafood.Ex.Salmon, sardines. Etc.

33. Wag mo muna isipin mga problema mo kapag exam time. Ma iistress ka lang.

34. Kapag nag eexam andyan na yung ma ppressure ka dahilminsan sisigaw yung proctor na "30 mins na left" wag ka mataranta, dahil mawaawla ka sa pagpofocus, ipagpatuloy mo ang binabsa mo at wag madaliinang exam.

35. Example ng flashcard. Isa sa mga mnemonic devices na gamit ko, nasa likod yung definition nya huhugot hugot lang kayo ng papel tapos huhulaan niyo kung ano yun. Handy yan pwede kayo amg review sa jeep o bus para di masayang yung time ng pagbyahe niyo papuntang school.

36. I cheer mo sarili mo gamit to maglagay ka ng kahit anong message sa pen mo na gaganahan ka mag aral. Para di ka gumive-up agad.

37. wag ka iinom ng kape o kahit anong may caffeine dahil maiihi ka palagi na nababawasan ang tubig sa katawan mo dahilan para mahihirapan ka mag concentrate dahil cr ka ng cr during exam.

38. Wag ka kabahan sa exam dahil kapag kinabahan ka hindi ka rin makakapag concentrate wag mo ipressure sarili mo. Be confident pero wag naman yung overconfident.

39. Reviewhin niyo yung mga quizzes niyo minsan may nasaamang tanong don sa exam.

40. Uminom ka ng tsaa kesa sa kape. Makkatulong yun para magboost yung concentration niyo at makapagfocus ka.

41. Pag 10 minutes na lang at exam time na wag mo na pilitin magreview pa kasi magugulo ang utak mo maghahalo halo yung mga narevview mo na nung kahapon at yung babasahin mo palang ngayon. Magiging negative performance mo maging haggard ka at kakabhan. Malalaman mo yan pag tumutulo pawis mo kahit naka aircon dahil sa kaba. Kaya kung exam na relax ka na at subukan sagutin ang mga tanong.

42. Wag ka magpalate, kapag nalate ka andyan na yung kaba marurush ka sa pagsagot ng exam at baka ika bagsak mo pa

43. Syempre pag tapos ng exam treat mo sarili mo reward sa pag-aaral mo mabuti. Maglaan ka ng time para makagala ng isang araw gawin mo gusto mo gawin mag rp ka bahala ka na. Para di ka tatamarin mag aral smile emoticon(Ito ginagawa ng mga nag ttake ng board exams).

44. Pag tapos ng klase, pag uwi reviewhin mo ulit bago ka matulog lahat ng ng notes mo. gawin mo yun araw araw magugulat ka na lang pag exam day mo maaalala mo yun palage kahit ilang weeks na nakaraan.

45. 1 week before exam. ireview mo lahat ng notes mo 30 mins kada araw, mas effective to kesa sa isahang araw na lag rereview na pigang piga ang utak mo. Mas marretain yun sa brain mo. Syempre focus rin.

Lead image source :https://www.google.com/search?q=tips&client=ms-android-oppo&prmd=inv&sxsrf=ALeKk02a33z_L15EKNL-Bz7dW3H2Sho-mg:1623205250046&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjM_M3ivonxAhWPP3AKHYoLCXAQ_AUoAXoECAIQAQ&biw=360&bih=566&dpr=2#imgrc=bbg5ZALCI2Z0eM

2
$ 0.00
Avatar for MICHAELTV07
3 years ago

Comments