Una talaga alam kona ang about bitcoincash, bitcoin, litecoin, doge at marami pang iba. Bago ko nakilala si noise at read.cash,nung una nacurious ako about sa mga pinopost nila sa earning groups sa facebook.
Akala ko nun joke kasi impossible naman na kikita ka ng ganun kabilis na bch money. So kahit di ako sure syempre sinubukan ko parin sa ngalan ng gusto ko ding kumita online (hahahaha). So ayun nga nagregister ako at di kopa alam ano ang gagawin so syempre nag explore at nagtanong tanong po muna ako saka ko nalaman ang about kay noise at dun na nagsisimula ang aking kasiyahan kay noise.
Sumali pa nga ako dun sa group ng mga team payaman sa noise thru messenger. Ang dami nila dun na nagpalitan ng subcribers at tip. Pero syempre tamad ako makipag palitan so di ako sumali nakijoin lang ako sa group dahil para maupdate ako kung ano ang new update. At kinalaunan nagleft narin ako kasi hindi puro noise ang nilalapag nila kaya nagleft na ako.
Tapos nun unti unti ko ng naeenjoy si noise sa pagtitip ng mga magagandang post at ang dami pang bagong ganap ni noise admin.
Mula kay noise halos kumita na pala ako ng $48 more or less i guess. So sobrang tuwa ko kasi kumita ako ng bitcoincash money ng libre. Mga weeks palang nung nilaunch si noise nung sumali ako. And till now nasa maingay parin akong platform.
At late ko ng nalaman ang about kay read.cash,so dito makikita nyo ang una kong article, as yiu can see baguhan nga so ganyan pa pinost ko.
So i think 2months or 1month na ata si noise nung sumali ako kay read.cash.so syempre mga isang buwan din bago ako sumubok uli kay read.cash kasi nacurious na ako sa ibang ka noise na ang. Laki ng kinita nila kay read.cash, so syempre ako go parin ng go kahit wala akong alam kay read.cash at nagbabasa narin ako ng rules nila para maiwasan na mablock ako or masuspend. At di ko din alam sobrang tagal na pala nitong read.cash. So anyway back to our topic.
Una nun di kopa alam paano talaga kikita kay read.cash basta ang alam ko magpost lang ng article na own content.
And after nun halos 3months siguro ako kay rc na sobrang liit lang talaga ng kinikita o nakukuha kong tip kay read.cash robot, as pic below:
So ayan nga naiingit ako sa ibang writers na ang lalaki ng nakuha nilang bitcoincash money kay read.cash pero syempre ginawa ko nalang libangan siya at di na iniisip ang kinita ng iba. So sa pagpapatuloy ko isang araw may isang writer at friend ko narin sa noise site na si sis @bmjc98. Sabi niya sakin nun na gusto daw niya mag sponsor sakin nang di ko talaga inaasahan. At nagsabi sya sakin na nakablock raw ang sponsorship menu ko. Kaya ayun tinruan nya ko kung paano at mula sa araw na yun hanggang ngayon thankful ako sa kanya kasi ng dahil sa kanya ay nakakuha o napansin na aki ni read.cash at kumita na nga ako ng halos $16 sa isang article at ito yun.
Ayan oh diba ang galing lang. Grabe yung tuwa ko sa araw nayan. Talagang sobra sobra yung saya ko. At ang iba ay malaki din pero na ganyan kalaki tulad nito
At ayan nakita nyo na. At ang latest article ko ay mababa na uli. Pero still i love noise and read.cash.kaya hanggang ngayon malaki padin pasasalamat ko sayo sis @bmjc98 kasi nakaranas ako ng kumita ng 16$ a day o sa isang article talagang nakaka overwhelmed at nakakagana pag ganyan. Kaya thank you sis. Mwuahhhh....
At syempre bago magtapos ang aking articlr na ito ay halos kumita na ako kay noise at read.cash ng 4, 464 pesos sa loob lang ng apat na buwan.
Halos kay read.cash ay $58 ang kinita sa loob ng 4months na pagpopost ng article. Kaya sobrang blessed ko sa site at platform natu kasi aside sa nakakatulong sila epromote ang bitcoincash coin eh nakakatulong pa sila sa mga taong nangangailangan sa panahon ng pandemya. Kaya tuloy tuloy lang po tayo at wag susuko kaya po natin to. Salamat po sa pagbabasa ng mahaba kong article na ito at sanay natuwa kayo.
Yay! Ang laki nga nyan. Tuloy tuloy lang, sis, dahil lalaki pa yan. Btw, ayaw ni admin na icall sila as RC and NC. Dapat read.cash all small. Hehe. Nasa rules nila yan.