Ghost hunters

0 15
Avatar for Lyn2x
Written by
2 years ago

Sa panahon natin ngayon marami ng device ang pwedeng gamitin ng mga "Ghost Hunters" para makapagcommunicate sa mga patay o kaluluwa.

Sa artikulo kong to ibabbahagi ko sa inyo ang mga ilang bagay patungkol sa "GHOST HUNTERS",

Sa panonood ko ng iba't ibang videos ng mga Ghost hunters na mga vloggers ay mas lumalim ang nalalaman ko sa mga ginagawa nila at Higit sa lahat ang kanilang tapang kung paano nila ito nasurvive na kahit demonyo ay nakayanan nilang lampasan.

Marami akong pinanood sina DONGSKIE TV, KUYA RED, AT MAGGIE THE CREEPY. hindi ko sila pinopromote pero isa sa mga channels nila ang napanood kona. Ang tanging pwedeng manood lamang sa kanilang mga video ay ang may mga malalakas ang pananampalataya sa Diyos, dahil kahit ikaw na nonood ay kaya kang saniban ng Diyablo at kontrolin ka. Sa aking panonood sa kanila marami akong nalaman at natutunan, at ito na nga ang mga yun.

  • PAGIGING MATAPANG(IBIG SABIHIN MATAPANG KA NA MAY DIYOS NA SANDATA) - Kailangan ito ng mga GHOST HUNTERS isa yan sa pinaka importante na bahagi ng paggoghost hunting nila. Dahil kung di malakas sandata mo, maaari ka ngang magamit ng diyablo at di kana makabalik ng buhay. Sa kanilang ginagawa maraming masasamang elemento ang kanilang nakikita. Maniwala man kayo o sa hindi lahat ng nakikita nila ay totoo. Hindi sila nag eimbento o naging scripted. Dahil mga videos nila walag edit. Kung Hindi ka naniniwala abay di mo sana ma experience ang kanilang nakikita at nararamdaman kasi lahat ng tao sa mundo ay may sense of sight at touch sa mga nilalang sa mundo na di nakikita pero naririnig.

  • PANALANGIN-Bago sila sumusuong sa ganyan nagdadasal sila ng taimtim para di sila mapano sa kanilang ginagawa at di daigin ng Diyablo o demonyo. Si KUYA RED nalalaman nyang may demonyo na umaligid dahil sa device na ginagamit niya kaya pag may demonyo ay agad syang nagdasal at pinapaalis ang Demonyong umaaligid sa mga kaluluwa na nililinlang o tinatakot ng demonyo.

  • KARANASAN-Hindi nila kayang gawin ang Ghost Hunting kung di pa sila nakaranas ng mga bagay na unextra ordinary bilang tao. Kaya mas nalalaman nila na meron o walang nakatira na kaluluwa o masamang elemento sa isang lugar kung may nakikita sila o wala. Kasi ako sa totoong buhay nakaranas ako. Mga highschool pa ako nun. Ekukwento ko sa inyo sa last part.

  • PAG-AARAL MAGING ESPERITISTA/PARANORMAL-Hindi po pwedeng hindi ka matuto o mag aral bilang esperitista dahil mga paraan yan na di ka mahawakan o magalaw ng masamang elemento habang nag lilibot ka sa isang lugar. Dahil di mo alam kung anong klaseng nilalang ang masasalubong mo.

  • THIRD EYE-ito halos lahat yang mga ghost hunters may THIRD EYE/NAKABUKAS ANG KANILANG THIRD EYE, kung sarado ang kanilang 3rd eye di yan sila makakita ng ibang nilalang at nakakarinig din ng mga galaw ng mga elemento. Bakit kailangan may Third eye? - kasi po isa yan sa pangunahing kailangan para ang mga kaluluwa o elemento ay makapag communicate sayo. Pag nakikita mo kasi sila mas madalas sila magpapakita dahil alam nilang nakikita mo sila. Pag sarado naman ang third eye mo pwede molang sila madama o marinig pero di mo nakikita.

Lahat ng binaggit ko ay importante sa mga GHOST HUNTERS. hindi po madali ang ginagawa nila. Isipin mo mga Diyablo o masasamang elemento ay kanilang pwedeng masalubong o makalaban. Hindi madali yun kasi kung kulang ka sa tapang at sandata. Pwede kang makuha ng demonyo at makontrol nila. Kaya ang Ghost hunting ay para lamang sa may alam at may Diyos na dala dala kahit saan man sila magpunta. Maaari rin kasing sumama pag uwi mo ang ibang kaluluwa. Kaya nga minsan magpagpag o dumaan muna sa simbahan at magdasal bago ka umuwi ng inyung tahanan para siguradong di sila sumama sayo pag uwi.

Tanong:

May kaluluwa ba talaga?

  • Sa tingin moba wala? Meron po. Maniwala ka man o hindi may kaluluwa ka. Pag mamatay ang isang tao may kaluluwa sya na maglalakbay kung saan sya papunta kung sa langit o sa daan ng diyablo. Bawat tao sa mundo pag mamatay may paroroonan nayan. Kaya kung bago ka namatay ay makasalanan ka parin wag mong asahang mapupunta sa langit ang kaluluwa mo. Dahil walang makasalanan ang nakakapasok sa langit hanggat hindi ka humihingi ng tawad sa Diyos at kung hindi mo kinilala ang Diyos Hesus bilang iyong tagapagligtas at Diyos. Kaya habang buhay kapa sa mundong to gumawa ka ng mabuti. Dahil hindi po natin alam kung anong oras, araw at taon tayo pwede kunin ng Diyos Ama.

Ito na ang kwento ko, hindi ito haka haka ah, baka sasabihin nyo imbento ko. Never ako mag eimbento ng kwento. Ito ay personal ko mismong karanasan. Hindi man Halloween ngayon pero baka makakarelate kayo sa naranasan ko.

Way back 2010 siguro yun. Nagsideline
Ako bilang bantay bata sa anak ng amo
Ng aking ina. Summer ata yun kaya
Walang pasok. So everyday umuuwi ako
Kasi stay out lang ako dun. Habang
Tumatagal nag uumpisa na akong may
Hindi usual na naririnig, akala ko nun
Sa ibang bahay o kapitbahay lang
Since magkalapit lang naman ng bahay
Dun, isang araw may narinig ako sa cr
Na may naliligo at naglalaba, may nag
Luluto, naghuhugas ng plato. Pinaking-
gan kopa sa ibang bahay baka galing sa
Kanila. Pero hindi tahimik lang dun
Nasa loob talaga ng bahay ng amo ko
Galing ang tunog. Binaliwala ko nalang
Hanggang sa araw2x na akong may ganung
Scenario. At nung sinabihan kona amo
Ko sa na experience ko, sabi nya sanay
Nadaw sila sa ganyan. Ibig sabihin meron
Nga talagang elemento sa bahay nila.
Pero doon ako natakot nung ang alaga
Kong special child, panay turo sa gate
At iyak ng iyak kakadilim lang nun.
Sunod naman tinuro nya ang sa may
Pintuan, wala naman akong nakita.
Grabe yung iyak niya talaga. Nagdasal
Lang ako nun na kung ano man ang nakita
Sanay di kami kambalain. Pag nag si CR
Ako dun di kona talaga sinasara ang
Pintuan. At last tanghaling tapat ng
May nakita ako. At dun ako tinindigan
Ng balahibo ng may ulo na nakaupo akong
Nakita sa may kusina. Napatakbo ako sa
Labas ng wala sa oras. At humingi ng
Tulong sa kanilang kapitbahay. At sinabi
Pa sakin na may black spirits daw dun sa
Bahay na yun. Kaya pala yung katabi
Ng bahay nayun at walang nakatira dahil
Nandun ang black spirits. O baka diyablo.
Simula nun umalis na ako at di na bumalik
Sa kanila.

Sa ngayon close po Third eye ko. Sabi sakin nung panahon daw na yun medyo nakabukas Third eye ko kaya nakakita ako at nakarinig. Pero ngayon kahit gaano kadilim ang isang bahay wala ako nakikita o naririnig. Maybe dahil siguro na may malakas akong Diyos na laging nakatabi sakin. Kasi po may anghel talaga na laging nakabantay samin lalo na sa mga anak ko. Pag may Diyos ka at nagdasal ka na pabantayan ka sa mga Anghel ng Diyos ibibigay nya sayo yun. Kaya nga sa lahat ng pangyayari sa buhay ko alam kong merong anghel na laging pinapalayo ako at mga anak ko sa disgrasya at sakuna. Kaya araw araw nakikipag usap ako sa Diyos na para bang andito sya sa tabi ko. Ganun na ako kalapit sa Diyos dahil para ko na syang nafefeel na andito sa tabi namin. Kumbaga yung communication ko sa Diyos paramg tao. Manalig po tayo kahit ano man danasin natin sa mundong to. Isipin nyo lagi may Diyos na handang makinig at tutulungan satin ano mang Panahon at oras.

Ang pagiging Ghost Hunters ay para lamang matulungan nila ang kaluluwang naghahanap ng tulong. O nais makatawid papuntang langit na naisahan ng Diyablo. Ang mga Ghost Hunters din po ay hindi nang aabala ng kaluluw o masasamang elemento. Sila lamang ay gusto makapagcommunicate kung ano ang nais nila.

1
$ 0.60
$ 0.60 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Lyn2x
empty
empty
empty
Avatar for Lyn2x
Written by
2 years ago

Comments