Dalawang tulog nalang 2022 na!
Bawat paglipas ng taon maraming tao ang umaasa na ang susunod na taon ay sanay maganda at masagana ang darating sa kanilang buhay at kabuhayan. Pero nung 2020 ay halos gumuho ang lahat ng may lumabas na may virus na mageespread galing china.
Unang buwan palang ng 2020 ay hindi na maganda lalo na dito sa pilipinas dahil pumutok din ang bulkang taal. Talagang masasabi natin na mula 2020 hanggang ngayon ay hindi parin maganda ang taon ngayon. Ang taong to ay punong puno ng mga taong namamatay. Siguro mga 15% ng populasyon sa mundo ay naglaho na sa taong ito. Kaya ngayong darating na 2022 ay sana'y humilom napo ang ating mundo. Di rin kasi madali ang subukin tayo ng samot saring trahedya, pandemya at tag gutom. Ngayon pa nga lang talagang nahihirapan na ang mga tao. Paano pa kaya kung may mas lala pa sa ganitong sitwasyon ng mundo. Kaliwat kanan na nga ang iniisip ng ating mga gobyerno, at sanay makaraos at makabangon tayong lahat.
May mga new year resolution ba kayo? At ano yan? Comment nyo naman sa baba ang inyung mga kasagutan.
Ang cake na yan ay para mafeel ko na may bagong taon na naman na may bagong pag-asa sating buhay. Kaya umorder nako ng cake. Maganda rin naman kasi sya noh at mura lang yan. Sanay ang cake na yan ay magsilbing pag-asa ko na maging masagana at maging makulay ang aming 2022.sabi nila kulay green, purple at yellow daw po ang lucky color ng taong 2022.kaya yang cake na yan ang pinili kong orderin. Hindi naman ako naniniwala talaga sa mga swerte swerte. Kasi sa totoo lang wala namang sinabi ang bibliya sa swerte swerte o lucky charm. Kundi ang mga intsik lang naman ang nagpa uso sa mga lucky charms dahil nga iba naman ang kanilang pananampalataya at nahawa lang tayong mga pinoy sa kanilang tradisyon at paniniwala. Kaya di ako naniniwala na may swerte kaya nga ang buhay koy walang swerte kasi di naman ako naniniwala. Mas naniniwala pa ako na Diyos mismo ang may plano kung maging maganda ba ang pamumuhay mo sa mundong to o isa kang mahirap. Pero kung mahirap ka at nagsipag ka, eh syempre bibigyan tayo ng Diyos ng gantimpala sa lahat ng sakripisyong ginawa natin. Kung ikaw ngayon ay mayaman. Will congrats sayo dahil isa ka sa napili ng Diyos na maging mapalad sa mundong ito. Pero kung katulad kitang mahirap lamang at nakakain lang na tatlong beses sa isang araw, abay mapalad ka rin. Kasi hindi ka nilagay ng Diyos sa pagiging pulubi na isang kahig, isang tuka. Siguro kulang lang tayo sa pagpupursige kaya mahirapan parin tayo. Pero kung ako lang mas gugustuhin kong maging mahirap kesa mayaman ka nga punong puno ka naman ng sakit sa ulo sa kaliwat kanan mong bayarin sa mga negosyo mo. Mayaman ka nga at mabibili mo ang kahit anong luho mo pero wala ka namang Diyos na pinapasalamatan sa natamasa mong grasya. Di ka nga siguro nagpapasalamat sa anong meron ka. Kaya nga ang ibang mayaman biglang bumagsak sa pagiging pulubi dahil masyado naging busy sa negosyo pero wala ng oras makipag usap sa Diyos at puro nalang pera ang iniisip. Mahalaga ang pera oo pero wag kayong gahaman. Dahil hindi gusto ng Diyos ang gahaman sa pera. Gamitin ang pera para sa mabuti, tulad ng pagtulong sa mga mahihirap, sa mga may sakit at iba pa. Kumbaga maging good samaritan tulad ng ating Diyos Hesus.
Ang new year resolution ko sa taong 2022 ay sana'y maging masaya, masagana at maging normal na ang lahat sa mundo at higit sa lahat ang mawala na ang poot ng Diyos Ama satin. Kaya rin kasi nangyari to dahil sa makasalanang tao sa mundo ay grabe na. Kumbaga nasobrahan na sa kasiyahan sa mga bagay ni satanas. Mas may oras pa kay satanas kesa sa Diyos. Kaya di ko rin masisi ang Diyos Ama na galit na galit na satin. Kaya nakaranas tayo ng iba't ibang sakuna sa mundo. Sana'y bumalik napo tayo sa Diyos at magbasa po tayo ng mga salita nya at sundin yun. Para maging mahilom na uli ang mundo. Dahil soon darating na uli ang ating tagapagligtas na si Hesus.
Maghintay lang talaga ng kaunting oras.Sa wakas! Taong 2022 na tayo, nawa'y magkaroon tayo ng magandang buhay sa taong 2022. Pagpalain tayong lahat ng ating Panginoon.yeah advance bagong taon.