My first crush in high school

0 26
Avatar for Lusipir
3 years ago

Nung nalaman ko na yung section ko ay pilot section, nalungkot ako hindi dahil boring ang section at puro aral nalang inaatupag. Sa katunayan mas gusto ko pang mag-aral kaysa gumala, nalungkot lang ako dahil sa tingin ko hindi na ako magiging honor student kasi alam naman natin kapag pilot section maraming matatalino. Sobrang nabahala ako nun kahit wala pang pasok haha. At yun na nga, first day of school na syempre pumasok ako ng maaga para obserbahan yung bago kong classmates. Unang pasok palang nya nako po! Napaka gwapong nilalang, ang linis nya tignan at may dating. Kumabog agad dibdib ko haha, pero hindi lang pala ako ang may crush sa kanya halos lahat ng babae dun sa classroom. Bakit ko alam? Kasi sila mismo umamin sa kanya pero ayun dedma lang si FJF (initials nya po yan, baka kasi may makaalam na nagbabasa hehe #safe) Pero there's this one girl na patay na patay talaga sa kanya, grabe yung girl makapag effort parang gusto nya talagang jowain si FJF. Umiiyak nga yung girl kapag hindi pinapansin eh, haha jowa yarn? Seatmate ko nga pala yung girl haha tawagin nalang natin siya sa pangalang AC. Naging mag best friends pala kami ni AC nung grade 7, I'm the one she's been sharing topics about FJF. Ako naman si mabait kinig lang ng kinig kahit na may feelings rin ako. Hindi ko magawang sabihin kay AC na crush ko rin yung crush nya kasi baka magalit siya sa akin,sa katunayan ako yung una na nagka-crush kay FJF sumunod lang siya nung second day kasi she's a transferee from section B, kaya ayun tinago ko nalang. Naging close rin kami ni FJF kasi pareho kaming mahilig sa math sa katunayan kapag may exam sa math kaming dalawa parating top, magaling rin siya sa drawing may time kaming dalawa ang naging representative sa grade 7 para sa poster making contest, sa quizbee din naging magkalaban kami, at syempre sa quiz bowl. Kaya siguro naging close kami kasi may common grounds na tinatawag.

Ito yung mga moments namin together (ang assuming ko masyado dito)

Grade 7 days

•July. Parati niyang pinapalagay mga gamit niya sa bag ko. Bigla-bigla nalang akong napapaisip bakit sa bag ko pa?

•September, Science month. May contest na sasalihan ang buong class so nagpractice kami, hindi ko namalayan na may babagsak na gamit sa ulo ko pero ang nangyari sinalo nya. Syempre ako namula akalain mo yun pang kdrama.

•November. Nagka cellphone ako, ayun naging textmates kami pero yung conversation lang namin nun ay "dumating na ba si ma'am", "nagsimula na ba yung misa", "anong oras kami papasok" at tsaka tapos may time pa na sobrang aga naming pumasok na halos wala pang students sa school. Ang ginawa namin bumili kami ng ice cream libre niya.

•2nd week of December. May contest na naman and this time Caroling contest. By pair yung sayaw lalaki at babae, eh wala naman akong close na lalaki kundi siya lang ang nakakagulat na part siya mismo nag initiate na partner kami.

*nalaman kong crush niya yung best friend ko itago nalang natin siya sa pangalang J. Kaya ayon lumayo loob ko sa kanya kasi akala ko ako, char! Pero tinanggap ko nalang kasi maganda naman talaga si J kaya nga muse namin yun eh tapos ang talino pa at tsaka ang bait.

*may time na lumindol tapos may klase kami sakto last subject na pero pinauwi agad kami habang may tinatapos pa kaming activity. Napag-alaman kong tapos na sa activity si FJF kaya nanghiram ako kasi kinabukasan ipapasa, saktong sakto nanghiram din yung crush niya kaya hindi na ako umasang ipapahiram niya sa akin pero nagulat ako kasi ako yung pinahiram niya.

Grade 8 days

•First day of school nakipagkwentuhan agad siya. Madalang kasi siyang lumapit sa babae. That's why I didn't expect I thought our closeness before will end there but he initiated not to.

• Parati siyang ngumingiti kapag tinatawag yung scores ko at scores niya na magkapareho. Minsan nahuhuli ko siyang tumitingin sakin. Ako lang ba?

•Halos araw-araw nagpapapansin, minsan nga nahampas ko na siya ng walis eh tsaka nakalmot ko narin. Akalain mo ba naman sa lahat ng gamit sa classroom gamit ko pa talaga napagdiskitahan. There are times we're running on the ground because I was trying to get my hand towel from his hands.

*Wala masyado akong assuming moments dito kasi nga gusto niya best friend ko. Siguro napansin nya rin na lumayo loob ko sa kanya( kaya siguro palaging nagpapapansin yun), nag momove on kasi ako kaya ganun. Ang hirap kaya mag move on kung parati mo siyang kasama. Also I tried to ask him why he's ignoring AC from the day she confessed her feelings to him. He said "I'm ignoring her because I don't want her to expect something from me". That's why I decided not to tell him my feelings baka hindi rin niya ako pansinin, tinago ko talaga at ang hirap pala lalo na at kaharap mo siya palagi.

Grade 9 days

•4th Grading. Kailangan namin mag practice ng Noli Me Tangere upang makapasa. Sa araw-araw naming practice araw-araw din kaming nag-hoholding hands at umaakbay sa isa't-isa. Tinutukso na nga kami ng classmates namin kung kami na ba char! Tapos he will respond to them "it's official". Alam ko namang joke lang yun pero kinilig ako dun pero hindi ko pinakita para di halata.

•JS PROM. Inaya niya akong sumayaw pero napakapabebe ko that time, inayawan ko siya. Hindi dahil sa ayaw ko syempre gustong-gusto ko pero yung dress ko kasi maluwag binully pa nga nya ako nun eh kaya daw maluwag kasi flat walang makakapitan.

*hindi po ako yung nag-iinitiate na makipag holding hands siya po lahat. Si AC din po ng time na yun nagseselos sa akin kaya lumayo yung loob niya at hindi na kami nagpapansinan dahil dun. Pero para sakin mas mabuti narin yun dahil napaka bad influence niya sakin eh, akala ko pa naman totoong kaibigan siya pero hindi pala. Mas gusto kong maging kaibigan si FJF dahil hindi siya yung tipong ibaback stab ka. Si AC kasi ganun siya she's a back stabber nalaman ko lang din yun ng may nagsumbong sa akin na kaklase ko. At tsaka kapag nagsasalita yung teacher namin parati nalang siya nakikipagdaldalan parang ayaw niyang makinig, may pagkakataon nga na principal's office siya dahil sa sobrang talkative niya buti nalang hindi ako nasali. Kapag may exam naman parati siyang nangongopya sa akin, ang unfair lang tignan ako yung nag-aral siya yung kumukuha lang ng sagot. Ayaw ko rin naman siyang sabihan sa hinanakit ko sa mga ugali niya kasi alam ko magagalit lang siya, ayaw ko kasi ng may taong galit sakin kaya hinahayaan ko nalang.

Grade 10 days

• Super close na kami yung tipong normal na sa amin yung holding hands, akbay at hug at ang bango niya sobra. May time nanghihiram siya ng mga gamit ko ganun din ako. Bihira lang kasi yung nakakahiram sa gamit niya kasi napakaarte nun pagdating sa ganyan.

•Teachers Day, OCTOBER. Dahil Student council kami sa school hindi maiiwasan na kami talaga yung mag-oorganize ng mga events. Minsan hinahablot niya nalang yung kamay ko para makipag holding hands sa harap ng maraming tao. Naku po! natatakot nalang ako minsan kasi crush ng bayan po siya hindi lang sa classroom kundi sa buong school, baka lang may magalit sa akin pero buti nalang wala.

•Sa sobrang close namin kapag nauuhaw siya hindi siya magdadalawang isip na uminom sa water bottle ko, medyo nakakakilig yun pang kdrama moment.

•3rd GRADING. Hindi kami nakapasok sa top 10 overall, lumapit siya sa akin at nag iyakan kami hehe hindi man nakakakilig ang cute lang tignan.

Ps: sa Final grading nakapasok na po kami sa top 10

Pero hanggang NOVEMBER lang yun kasi nalaman ko nalang nung christmas party na may girlfriend na siya at ang masakit pa classmate ko pa, hindi ko talaga inakala na magiging sila. Mas tatanggapin ko pa siguro kung si J kasi nasa mabuting kamay siya kaysa dun sa jowa niya that time. Pero hindi nagtagal naghiwalay rin sila. Mabuti na rin yun kesa magtagal sila, napapansin ko kasi nung Senior high kahit hindi na kami magkaklase nag-aaway sila ng jowa niya sa classroom nila, normal naman po yung away sa isang relasyon pero dapat ilagay sa tamang lugar hindi yung maraming tao ang nanonood tapos nakikita ko nalang siyang umiiyak. Magkatabi lang kasi yung room namin kaya minsan nakikita ko siya sa lobby. Hindi ko siya magawang lapitan kahit minsan kapag nagkakasalubong kami at tinatawag niya pangalan ko hindi ko siya pinapansin kasi nagtatampo ako, kasali na rin yung nagka jowa siya pero ang dahilan talaga hindi man lang niya ako sinabihan parang wala lang ako sa kanya. Minsan nga napapatanong ako kung magkaibigan ba talaga kami o ako lang yung nag-assume na kaibigan kami. Kahit paalam man lang wala akong natanggap parang na ghost ako that time.

Ps: Wala na po akong balita sa kanya kasi nasa ibang university siya nag-aaral. Yun lamang po at maraming salamat! Sana nagustuhan niyo.

4
$ 0.89
$ 0.89 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Lusipir
empty
empty
empty
Avatar for Lusipir
3 years ago

Comments