3 A.M

0 8
Avatar for Lusipir
3 years ago
Topics: Fiction

"Good night anak" saad ni mama sabay halik sa noo ko.

"Good night ma" sagot ko at papasok na sana ng kwarto.

"Matulog na ha, hwag ka ng mag pupuyat" paalala niya.

Tumango lang ako bilang sagot, sorry ma hindi ko na alam kung paano matulog ng maaga amp. Nakangisi ako habang papasok ng kwarto.

Alas nwebe na ng gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Lagi kasi akong nagpupuyat.

Minsan umaabot ako ng alas singko ng umaga sa kaka cellphone.

Humiga ako sa kama ko at nag talukbong ng kumot habang nakadapa. Magbabasa na nga muna ako ng wattpad.

Sheeeeet ang ganda ng kwento, sa sobrang tutok ko sa pag babasa di ko na namalayan na umabot na pala ako ng alas dose ng hating gabi.

"Last chapter na after nito matutulog na ako" mahina kong bulong.

Habang nag babasa ako pakiramdam ko may nakatingin sakin, kaya nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto.

"Shit !" Mahina kong mura ng may narinig akong kaluskos mula sa labas ng bintana ko. Jusko kung may sakit lang talaga ako sa puso siguro inatake na ako.

Naguumpisa na akong kabahan kaya kinuha ko ang earphone at nakinig nalang muna sa music. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko at hinihintay na makatulog pero hindi pa talaga ako dinadalaw ng antok putragis na yan.

"Hayst mag babasa na nga lang ako ulit" saad ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Napakagat ako ng labi ng biglang nag sitayuan ang mga balahibo ko pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Tsaka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakapag toothbrush at nakapag hilamos. Hayop na yan kinakabahan pa naman ako. Pupunta ba ako ng banyo o hindi ? Hwag nalang kaya ? Arrgg hindi kasi ako sanay matulog ng hindi nakakapag hilamos at toothbrush.

"Makapunta na nga lang" dahan dahan akong bumangon. Napaigtad ako ng bigla nalang may kumalabog sa taas ng bubong namin kaya patakbo akong pumasok sa banyo.

Hingal na hingal ako habang nakatangin sa salamin ng banyo. Agad na nagsitaasan ang mga balahibo ko ng may pumasok sa isip ko.

Naiimagine ko tuloy na parang may taong nakatingin sakin habang nakatingin ako sa salamin. Shit kakapanood ko to ng horror movies eh.

Bago pa ako mahimatay sa mga nakakatakot kong imagination, nag simula na akong magtooth brush at mag hilamos. At para hindi ako mailang nag papatugtog ako.

After ilang minutes bumalik na ako sa kama at nahiga, nag log in muna ako sa face book. Napahinto ako sa pag scroll ng biglang nag ingayan ang mga aso salabas. Tinignan ko ang orasan na nasa study table ko 3:00.

"Kinginang mga post to puro in a relationship, respeto naman sa mga single oh" naasar kong bulong.

Edi kyo namay jowa, jowa jowa pa ending naman niyan salamat sa lahat amp.

"Matulog kana" napatigil ako sa pag s-scroll na may narinig akong bumulong.

"Matulog kana Clair" napahigpit ang kapit ko sa kumot.

"Sino yan ?" Mahina kong saad.

"Matulog kana" ulit niya, wala namang ibang tao dito ah. Tsaka hindi naman boses ni mama yun.

"Ma ?" Sigaw ko.

"Matulog kana hwag ka ng mag puyat wala ka namang jowa eh" bulong ng kung sino yun.

Imbes na matakot ako lalo, bigla akong naasar dahil sa narinig ko.

"PUTRAGIS NA YAN KUNG SINO KA MAN HWAG MO NANG IPAMUKHA SAKIN KINGINAAA !" Naasar kong sabi at nagtalukbong ng kumot. Bakit yung mga may bebe lang ba ang dapat mag puyat ? May jowa naman ako ah nasa wattpad nga lang di nag eexist.

Buwiset na yan. Sino ba kasi yung bumulong ? Naasar ako sayo kung sino kaman nandidilim paningin ko sayo gusto kitang ibalibag.

---THE END---

1
$ 0.16
$ 0.16 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Lusipir
empty
empty
empty
Avatar for Lusipir
3 years ago
Topics: Fiction

Comments