"Maaga pa, mabuti kung ipag patuloy mo nalang ang pag tulog mo" ani tita habang nag hahanda nang agahan. Tama siya madaling araw palang pero gising na ako mamaya pa naman ang klase ko.
Tumango nalang ako at muling bumalik sa kawarto ko tulala at iniisip ang panagip ko. 'that dream is a nightmare' gabi gabi nalang ay napapanaginipan ko iyon.
"Itulog mo yan" bulong ko sa sarili,hindi naman ako nabigo at muling nakabalik sa pag tulog ko.
Nagising ako dahil sa sikat nang araw nagligpit na'ko nang pinag higaan tapos ay naligo na nag ayos narin dahil may pasok pa'ko.
Pag ka baba ko ay nakahain na ang hinanda ni tita lilet sa'akin mukang umalis na siya at pumasok sa coffee shop.
"Kanina lamang nang alasingko nang madaling araw ay natagpuan ang isang kaawa awang dalagita sa daan sugatan at maraming pasa umiiyak ito nang mailigtas nang mga otoridad-"
"Oy shane! Labas na malelate nako napaka kupad mong kumilos!" Napairap ako nang marinig ang sigaw ni brix sa labas. Nag toothbrush muna ako bago lumabas.
"Tagal mo teh, gigil mo'ko" aniya.
"Para namang lagi kang, may lakad brix ang aga aga pa naman" ani ko habang naglalakad palabas nang bahay sumakay lang kmai nang bus patungo sa school.
" Hay... Bagong umaga bagong bebegirls" nag papogi pa ito sabay kindat sa mga kababaihan.
"Alam mo mag bagong buhay kana" sarkastiko kong sabi tumingin naman siya sakin sabay taas ng kilay.
"Ayoko nga! Ano ka gold?" Inismiran pa niya ako bago siya mauna at magtungo na sa classroom.
Kaunti lang naman ang itinuro dahil byernes naman na ngayon at halfday lang kami. Hindi pa'ko nakaka kain ng tanghalian dahil ang sabi ni brix sabay daw kami. Isasama niya daw ang mga kaibigan niya na ang bansag saakin ay 'ms. Lazy to socialize'.
Nagtungo muna ako sa lumang library nang school para mag review dahil malapit narin ang last sem namin. Nag text nalang ako kay brix na magkita kami mamaya sa dapitan.
Habang naghahanap ako nang libro ay naagaw naman nang pansin ko ang lumang libro sa kabilang dulo nang library. May kalumaan nga ngunit maganda naman ito.
' our heart,will always be apart'
Yun ang nakalagay sa libro,ibabalik ko'na sana nang mapansin ko ang pangalan nang may akda noon.
'shelina hilary.'
Hindi ako nag kakamali iyon din ang pangalan na nakalagay sa picture frame na may buradong litrato. Agad kong binili ang libro nayon pero nabigo ako dahil bawal daw napabuntong hininga ako at naupo nalang para basahin ang naka sulat.
'i was 17 years old when i met you.. at first i don't do socialize because of my higher position. But you came..you came over and said that you'll be always be with me until our Dead's apart. I hope someday our first child will find a way to escape this darkness place—'
"Yo shane!"Nabitawan ko ang libro sa lamesa at humarap kay brix.
"Anong ginagawa mo dito?!" Napakamot siya nang ulo.
"Bakit parang gulat na gulat ka teh?"
"W-wala tara na!" Binalik ko ang libro sa book shelf at hinila na palabas si brix.
Nagtataka padin ang muka niya samantalang ako ay inaalala lahat ng naririnig ko sa aking panaginip gabi gabi.
' shane.. oo shane ang pangalan niya..'
' what do you want me to do?'
'shelina...'
Mariin akong napapikit habang naglalakad.ano yun?para saan ang panaginip nayon? Noon palang ay nagtataka na ako.
Bakit wala akong mga magulang?nasaan sila? Ang sabi ni tita ay matagal na akong iniwan nang mga magulang ko. Pero may bahagi saakin na ayaw paniwalaan ang lahat ng yon.
"Shane!" Hinila ako ni brix kaya natauhan ako kaagad at nakita ang lumagpas na kotse sa harap "sabog ka?"
"Uwi nako" hindi na siya nangulit pa dahil mukang alam na niya na wala akong balak na mag salita.
Minsan ay nakikita ko sa panaginip ko ang mga hindi pamilyar na lugar. May babae din na kulay asul ang mga mata tulad nang saakin at lalaking kulay abo ang buhok.. lalo na iyong lalaki na may takip ang muka. Hindi ko alam kung anong meron sa mga iyon pero sigurado ako na kunektado iyon sa pag katao ko.
Hindi ko na binalak na tanungin pa si tita. Nuong gabi ay nagpaalam ako kay tita na matutulog na 12:42 am ay bumangon ako at nagimpake nang mga gamit na kakailangin ko.
Dahan dahan akong lumakad palabas nang kwarto ko at walang ingay na ginagawa. Hanggang sa maabot ko na ang labas nang bahay naka hinga naman ako nang maluwag. Tumakbo ako sa hallway papunta sa bus station.
Nang makarating sa patutunguhan ko ay binuksan ko ang flash light na dala dala ko at tila mag nanakaw na inakyat ang eskwelahan namin. Pupunta ako sa library para kunin ang libro nayon. Hindi ko alam kung bakit at para saan pero hindi ko mapigil ang sirili ko.
Madilim na sa buong campus kaya walang sino man ang makakakita pa saakin. Nang makarating sa library ay kaagad akong pumasok don. Napakunot ang noo ko dahil hindi iyon naka lock. O sadyang di sila nag lolock? Ang swerte ko naman pala.
Nag tungo ako sa dulong book shelf para kunin ang libro pero nagulat ako dahil wala na iyon dito. Saglit pakong natulala dahil napagtanto ko ang ginawa ko. Para akong mag nanakaw dun ah.
"Spykid."
"Ahhh!" Napa talon ako sa gulat at napatakbo nang dahil sa bulong nayon. Narinig ko ang impit na pagtawa nuong lalaki na bumulong sakin. Madilim na at tanging liwanag nalang nang buwan ang nakikita ko.
"S-sino ka?" Utal kong tanong nakita ko ang repleksyon niya dahil sa bwan naka salamin din ito.
"Hanap mo'to?" Itinaas niya ang libro na pakay ko. "Muka kang magnanakaw ms.hilary" ibinalik niya iyon sa book shelf.
"P-pano.."
"Basahin mo nalang basta sa kalagitnaan mo na malalaman." Lumabas siya nang library nang hindi ako nililingon. Nag dalawang isip pa'ko pero sa huli ay kinuha ko ang libro. Naupo ako at binuksan ang flashlight kong dala.
Manipis lang libro at may punit din ang ibang pahina. Nang ibuklat ko ito ay nagulat ako dahil naroon na ang pangalan ko sa unang pahina.
'shane hilary.'
Hinanap ko ang pangalan na nakasulat duon kaninang tanghali pero hindi ko na iyon makita. Lumalamig narin ang simoy nang hangin dahil madaling araw na. Pakiramdam ko ay may kung sino ang nakatingin saakin.
Paulit ulit kong binasa ang nasa unahang pahina naguguluhan at nalilito parin ako hanggang ngayon.
'shane hilary.'
' your here. With me, this is our after life."
-nic.
Matapos kong basahin yon ay kusa akong tumayo at lumabas nang library pero iba ang sumalubong saakin. Iba...
Ibang lugar.
_______________________________________________