Wikang Filipino Ipamulat sa Makabagong Henerasyon

13 60
Avatar for Lunah
Written by
3 years ago
source:google

Ngayong buwan ay Buwan ng Agosto. Bagkus, ito ang Buwan ng ating Wika. Isa sa mga manunulat na Pilipino dito na si @LucyStephanie ay nananawagan na tayo'y magsulat ng isang artikulo o sanaysay gamit ang wikang Filipino. Gamit ang ating sariling wika. Ako'y napaisip kagabi kung ano ang aking isusulat. Ngunit, maraming mga topiko ang sumasagi sa isipan ko. Ika nga ni LucyStephanie na dapat makabuluhan ang ating isusulat na sanaysay o artikulo. Para man lang may mapulot tayong mga kaalaman.

Ako ay isang Pilipino. Pinanganak at may dugong Pinoy. Pero, sa totoo lang, kahit ako ay isang Pilipino. Minsan, nahihirapan ako sa pagsusulat ng buong artikulo o sanaysay gamit ang ating wikang Filipino. Aminin man natin o sa hindi. Hindi talaga tayo (fluent) magsulat gamit ang ating wika. Dahil, mas nakasanayan nating gamitin ang Tag-lish o Tagalog-English. Marami pa akong hindi alam na mga malalalim na salita sa ating wika. Ngunit, dahil sa ating mga guro sa Filipino. Mas napapalawak pa nila ang ating kaalaman gamit ang mga baybayin, jargon at ang kasaysayan ng ating wika.

Ngayon, ibandera natin ang ating Pagka-Pilipino. Alam ko na mas maraming mga Pilipino na manunulat dito sa platapormang ito. Kaya, kapag gusto niyo ring sumulat gamit ang ating wika. ISULAT MO NA!

"KATUTUBONG WIKA'Y ATING GAMITIN SA PAGPAPALAGANAP NG BALITA UPANG PANDEMYA'Y ATING MAIWASAN AT SUGPUIN"

Noong nakaraang taon. Ako ay sumali sa isang patimpalak sa aming paaralan. Ang patimpalak na ito ay tinatawag na "Sulat Baybayin" . Noong sumabak ako sa paligsahan na ito. Hindi ko alam kung ano nga ba ang baybayin at kung paano susulatin ang isang letra gamit ang baybayin. Ngunit dahil gustong kong sumali sa paligsahan. Ako ay nag-ensayo para mas gaganda pa ang sulat kamay ko gamit ang baybayin at mas malaman ko pa kung ano ang tamang pagsulat at katumbas ng bawat letra.

Sa makatwid, nakuha ko ang Unang Karangalan. Nakuha ko ito dahil sa mga taong sumusuporta din sa akin. Oo, makikita niyo sa taas na hindi gaano maganda. At alam kong napaka simple lamang ng aking ginawa. Ngunit, sabi nga nila ang pagiging simple ay mas nakakaganda. At ang higit sa lahat ang mensahe na nais kong ibatid sa mga mambabasa.

Habang umuusbong ang ating panahon sa makabagong henerasyon. Mas maraming mga kabataan ngayon ang tumatangkilik sa ibang mga lengguahe. Kagaya na lamang ng Korean language. Na halos libo-libong mga kabataan sa ating henerasyon ang mas tumatangkilik sa ibang kultura, lengguahe at mga tradisyon. Hindi naman ito masama kapag tumatangkilik tayo sa ibang lengguahe. Pero, sana naman, pagsabihan natin sila o ipamulat natin sa kanila na nakakalimutan na nilang tangkilikin ang sariling atin at kontrolin din natin ang ating sarili paminsan-minsan.

Tayo ay Pilipino, Mahalin natin ang ating sariling Wika. Sino pa ba ang magpapamulat sa mga kabataan ngayon na ang ating wika ay napaka importante? Na ang ating wika ay Unti-unti nang nakakalimutan natin? Sino pa ba ang magpapaintindi sa kanila? Kundi, tayo lamang na mga matatanda sa kanila.

Ang ating wika ay napaka importante. Dahil dito, nagkakaintindihan tayong lahat. Mas nagkakaroon ng pag-uunawaan at nagbibigay ng mabuting relasyon sa buong bansa.

Isipin niyo, ang ating panahon ay nagiging moderno na. Halos mga kabataan ngayon, pati tayo ay napamulat na din sa mga teknolohiya at mga modernong gamit galing sa ibang bansa. Hindi lang ang ating wika ang unti-unti nang nakakalimutan. Pati na rin ang sariling gawa ng mga katutubong Pilipino.


Mga kababayan ko, mga kapwa Pilipinong manunulat. Ipamulat natin sa mga bagong henerasyon kung gaano kaganda ang pagtangkilik sa sariling atin. Kung gaano kaganda ang kasaysayan ng Pilipinas, ng ating wika at iba pa. Ito ay magsisimula mismo sa atin .

Ayon kay Manuel L. Quezon. Ang ating AMA ng Wikang Pambansa. "Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat"

"Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan"

-Manuel L. Quezon


Mraming Salamat po sa pagbabasa ng aking sanaysay o artikulo. Naway may napulot kayong konteng kaalaman. Nagpapasalamat din ako sa aking dalawang sponsor na sina @whitney123 at @Sequoia.

Sa uulitin MARAMING SALAMAT PO. Ngayon, ikaw naman. Isulat mo na ang iyong nais ipabatid gamit ang wikang Filipino.

@Lunah

5
$ 3.37
$ 3.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.08 from @LucyStephanie
$ 0.05 from @whitney123
+ 4
Avatar for Lunah
Written by
3 years ago

Comments

Tama dapat talaga gamitin natin ito ng mas madalas. Hehehe. Congrats pala at nanalo ka sa patimpalak nyo!

$ 0.01
3 years ago

Hala ate Lucy. Thank you so much po❤❤

$ 0.00
3 years ago

Ehehe now ko lang nakita. Buti nakasulat ka pala. :)

$ 0.00
3 years ago

Napakagandang artikulo. Lubos kitang hinahangaan dahil sa iyong hangarin na mulinh ipalaganap, tanggapin at pag-aralan ang ating sariling wika. Ako ay lubos na nasiyaha sa artikulong ito kaya't asahan mo na sa susunod na mga araw ay maaaring gumawa din ako ng isang sanaysay na gamit ang wikang Filipino..

$ 0.01
3 years ago

Maraming Salamat po sa iyong paghahanga sa aking artikulo. Aabangan ko po ang iyong isusulat na sanaysay gamit ang ating wika. 😊❤

$ 0.00
3 years ago

Yaay ang ganda ng iyong hangarin mahalin at tangkilikin ang sariling wika..

$ 0.01
3 years ago

Salamat po sa iyong pagkomento binibini. Ako'y labis napasaya sa iyong paghanga sa aking artikulo. Magandang umaga❤😊

$ 0.00
3 years ago

Welcome luna goodmorning Luna

$ 0.00
3 years ago

Sabi ko noon, kapag nagkaroon ako ng mga anak, dapat na mas mahalin nila ang Wikang Tagalog/Filipino. Nakakalungkot na mas magaling na ang mga tao ngayon na gumawa ng linya mula sa wikang Ingles kesa sa gumamit ng Tagalog. Minsan mas nakakalimutan pa nila ang mga salitang Filipino. Isa pa na mas nakakalungkot, ayos lang na maging magaling sa lenggwahe ng banyaga kaysa sa maging bihasa sa sarili nilang wika.

$ 0.02
3 years ago

Tama tama. Ipapangaral natin sa ating mga anak sa susunod na kabanata ang pagsasalita ng wikang Filipino. Bagkus, ito lamang ang daan upang hindi mawala o makalimutan ang ating wika.

$ 0.00
3 years ago

Gamitin ang sariling wika, august ay buwan ng wika😊

$ 0.01
3 years ago

Hello Binibini! Ako ay napamangha sa iyong isinulat. Nagbibigay ito ng mulat sa mga Pilipino. Kagaya ko, ako ay addik na addik sa K-drama. Ni halos magsalita ako ay Korean language na. Salamat sa iyo, dahil kokontrolin ko na din ang sarili ko. Tama ka na hindi naman masama ang maging k-drama lover or tangkilikin ang ibang bansa. Ang kailangan lang natin ay ang pag kontrol. Lalo na sa mga bagong henerasyon ngayon. Ipapamulat natin sa mga kabataan ang kahalagahan ng ating wika. ❤

$ 0.02
3 years ago

Maraming Salamat po ate whit. Di talaga ako fluent magsulat sa Filipino. HAHAHA. Kaya, may english konte. 😅 Oo nga ate, ako din nanonood ng k drama. Pero, di naman ako addik. Tinatamad din ako tapusin ang full episode. HEHE. Salamat po ulit ate.

$ 0.00
3 years ago