Usog ni Manong Boyet

4 24
Avatar for Lunah
Written by
3 years ago

Ako ay maraming ikukwento sa inyo na mga kababalaghan. Uunahin ko munang sulatin ang "Usog ni Manong Boyet" . Kung ikaw ay nakatira sa probinsya. Alam mo kung ano ang ibig sabihin ng "usog".


Salamat nga pala sa aking mga readers, upvoters and sa aking mga sponsors. Salamat po sa walang sawang pagsusuporta sa akin. Kung nais niyo pa pong magdagdag sa sponsor list. Beke nemen. hehehe. Charoott.

Sponsors of Lunah
empty
empty
empty

Araw ng Linggo at araw ng pagsimba. Pagkatapos naming nagsimba ay umuwi muna kami ng bahay para kumain ng almusal. Bilang tagakanta sa mga event sa simbahan kagaya ng blessings, binyag at iba pa. Ay sinasama ako nila mama at ng iba pang church members namin. Sumama din yung pinsan ko na anak ni Aleng Rita. Pagpatak ng alas dyes ng umaga. Kami ay sumakay na ng tricycle papunta sa paroroonan namin. May kalayuan ito kaya medjo inaantok ako. Ganyan kasi ako pag babyahe, inaantok at parang dinuduyan.

image:google

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay na blessingan ng pastor. Ang aking pinsan ay 16 years old lamang pero mas matangkad pa sa akin. Awchhhh:( . Sa akin pinadala ang holy water na gagamitin sa pag blessing ng bahay. Napakatahimik ng lugar na pinuntahan namin. Halos kami lamang ang nagsasalita doon. Habang kami ay naglilibot-libot muna sa bandang likuran ng bahay. Nakita namin ang isang matanda na nagluluto ng pagkain. Bigla naman siyang tumingin sa amin. Kaya, dali-dali kaming bumalik doon sa mga matatanda na kasama namin.

Tanging kami lamang ang mga bata na kasama nila. So, ayun na nga, binigyan na nila kami ng tig iisang kandila para maumpisahan na ang Blessing ng bahay. Bago nag-umpisa sa pagbabasa ang pastor ay kumanta muna kami ng "Come Holy Spirit", bilang entrance song at upang gabayan kami sa pag ble-blessing ng bahay. Pagkatapos nun ay nag sign of the cross na at nag-umpisa nang basahin ng pastor ang mga salita na nasa libro.

Pagkatapos ng pagbabasa at sharing niya, iniabot ko ang Holy water sa pastor upang kami ay maglilibot na sa bahay para kaniyang talsikan ng holy water ang bawat sulok ng buong bahay. Habang kami naman ay hawak hawak ang kandila na sumusunod sa kaniya at binibigkas ang "Our Father, Hail Mary and Glory Be" . Pagkatapos nun ay kumanta na kami ng closing song.

Oras ng pag merienda:

Kami ay dinala ng may ari ng bahay sa kubo upang malamig ang simoy ng hangin. Kami naman ng aking pinsan ay nag picture picture doon sa kubo kasama ang mga matatanda. Habang kami ay kumakain na ng merienda na hinain ng tagbahay, biglang dumating ang lalake na nakita namin sa likod ng bahay kanina.

Medjo nahihiya kami sa kaniya. Siya ay umupo sa upuan na tapat sa amin at biglang tinitigan ang aking pinsan. Itong aking pinsan naman ay biglang natitigan niya din ang lalake. At agad ko naman siyang hinawakan sa braso at binaling ang tingin sa akin. Bigla rin nagsalita ang lalake.

"Kamusta kayo mga iha?", pagsasalita niya habang nakatitig pa din sa amin.

Ang tanging sambit lamang namin ay ,"mabuti naman po kami,hehehe" ...

Ngunit nakatitig lamang siya sa aking pinsan. At sinambit ang katagang, napakaganda mo iha. Sabay ngiti.

Pagkaraan ng ilang minuto. Di na kami tumagal pa. Nagpaalam na kami at umuwi na din. Agad naman nagpasalamat kami sa kanila.


Pagkarating namin sa bahay, biglang nagsuka si Faith ang aking pinsan. At basang basa sa pawis. Sumakit din ang tiyan niya at nahihilo. Agad naman namin siyang binanyusan ng lana at pinahinga. Naalala ko din yung nangyari kanina sa compliment ng lalake. At agad ko itong sinabi kay mama.

Sabi ni mama, nausugan daw ni Manong Boyet si Faith. Malakas ang usog ni manong Boyet. Kaya, bumalik kami doon at pinapikil sa kaniya si Faith. Nilawayan din ang kaniyang tiyan. Umuwi na din kami at gumaan na din ang pakiramdam ni Faith.


Note:

Hindi lahat ng mga compliments na galing sa ibang tao ay nakakabuti sa atin. Kung tayo ay nakikipagsalamuha sa ibang tao, maging alerto. Minsan, malakas ang mga usog ng mga matatanda, kaya agad tayong naapektuhan sa kanilang mga komplemento sa atin. Para masumpa ang kanilang usog. Ugaliing sabihin ang "buyag-buyag" . Kapag sabihan ka ng, napakaganda mo naman iha or kahit ano pang mga komplemento na kanilang napansin sa iyo. Sabihin niyo, "buyag-buyag". One way din yan para miwasan ang usog o masumpa kaagad. Magdala rin ng luya sa bulsa.

Ngunit di ko kayo mapipilit dahil iba iba ang ating paniniwala. Pero, kadalasan ito ang aming sinasabi. :)

Nausugan ka na ba?


Abangan niyo bukas ang aking bagong kwento. Salamat sa pagbabasa. Ingat parati. Tuwing gabi na lang talaga ako gumagawa at nagpa published ng mga articles dahil busy sa klase. Goodnight po. :)

@Lunah

3
$ 1.55
$ 1.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
Avatar for Lunah
Written by
3 years ago

Comments

Ako ay nausugan na sis. Oo, totoong napakalakas ng usog ng mga matatanda. Sa mata talaga kasi yan if titingin tayo sa kanila. Peeo, nagdadala na ako ng luya, asin, dagdag ko narin ang sibuyas. Toyo pa pala. Hahaha. Pero true yan na magsabi ng purya usog or buyag buyag. The best mga stories mo sis! I will always read your stories.

$ 0.01
3 years ago

Yes ate. Mga usog talaga ng mga matatanda ang malakas.

$ 0.00
3 years ago

Hindi pa ako nauusog kahit sa probinsiya, paano ba naman lagi akong may dalang asin, luya, sibuyas at bawang kulang na lang ata mag aadobo na ako hahaha. Pero seryoso malakas spirit ko kaya di ako tinatablan ng mga ganyan, tsaka laki ako sa pamilya ng mga manggagamot kaya hindi na bago samin yan.

$ 0.01
3 years ago

Hahaha. Adobo ang kalabasan. Galing ka pala sa pamilya ng manggagamot kaya malakas fighting spirit mo. Buti ka pa kuya.

$ 0.00
3 years ago