Pangarap Na Naligaw

0 17
Avatar for Lucci
Written by
3 years ago

Di ko maiintindihan ang aking nararamdaman at di ko rin mahanap ang kasagutan; kung saan ako dapat magsimula.

Palage nalang akong bigo sa lahat ng aking nasimulan. Palage nalang akong natutukso sa mga bagay na may kahalayan.

Wala na yatang patutunguhan aking buhay. Hanggang dito nalang siguro ito at wala ng landas na mapupuntahan.

Palage akong nangangarap na sana ay ito ay makamtan ngunit sa kahit anong sikaw ko ay napakaraming balakid na sumusubok at ito pa yung aking kahinaan.

Kahinaan kung saan bigla nalang akong nawawalan ng pag-asa sa tuwing ito'y haharang sa aking daraanan.

Ano ba ang aking pagkukulang? Bakit ganito ako? Iyan ang palage kong tanung sa aking sarili ngunit hindi ko parin maiintindihan at di ko mahanap ang kasagutan sa aking mga tanung.

Simula nung ako'y nagkamalay at nagkaroon ng isip, nagsimula akong mangarap. Pangarap na walang katapusan.

Madali lang mangarap ngunit ang pangarap pala ay mahirap abutin at iyon ang aking kahinaan.

Di ko alam kung bakit mabilis akong sumuko, siguro sadyang napakalupit lang sa akin ng tadhana.

Binibigyan ako ng pagsubok na kahit di ko kayang lampasan. Bakit ba napakadaya ng tadhana?

Namuhay akong mag-isa upang magkaroon ng lakas upang abutin ang aking pangarap pero hindi pa rin sapat ang lahat.

Sa tuwing malapit ko ng makamtan, atsaka naman darating ang dunos na hindi ko kayang harapin, harangin at labanan.

Ano ba ang kulang sa aking pagkatao? Bakit ganito nalang ang pakikitungo sakin ng aking kapalaran!

Ganito ba talaga ang iginuhit ng kapalaran? O sadyang mapang-api lang ang tadhana!

Minsan gusto ko ng sumuko at wakasa na aking buhay ngunit hindi ko naman magawa sapagkat natatakot ako. Natatakot dahil di ko pa natupad ang ang aking pangarap na matagal ko ng inaasam-asam.

Minsan naiisip ko nalang na sanay panaginip nalang ang lahat. Na sanay hindi ito sa totoong buhay at pawang sa panaginip ko lang ito nararanasan.

Pero kahit sa panaginip ay ganun parin ang aking nararansan, maging sa aking pagmulat ng aking mga mata ay para bang ito ay totoong nangyari.

Totoo nga talagang nangyari! Di ko mawari ang dahilan kung bakit ganito. Ako ay naguguluhan sa aking nararamdan.

Para bang isang bangungot ang lahat. Saan ako kukuha ng lakas? Nag-iisa lang ako. Saan ako kukuha ng lakas? Sino ang may las ng loob na ako ay payuhan hinggil sa aking nararamdaman?

Napapagod na ako g mag-isip! Palagi nalang akong sawi sa lahat ng mga bagay at sa lahat ng aking ginagawa. Para bang mayroon akong walang hanggang kasalana at walang katapusan na parusa at pagdudurusa.

Pagod na ako! Sobrang pagod! Hanggang kailan ako mag-iisa? Hanggang kailan ako magdurusa? Hanggang kailan ako maghihintay na matupad ang aking mga pangarap.

May pag-asa pa ba? Totoo bang habang may hininga ay may pag-asa? Sa tingi ko ay hindi! Habang ikaw ay humihinga mas lalo mong mararamdaman ang pait at pagdurusa.

Mas lalo mong malalasahan ang alat ng iyong mga luha na umaagos sa iyong mga mata. Ang agos na walang katapusan at ang paghihirap na kahit anong sakit ay di mo na mararamdaman.

Pero sana lahat ng ito'y ay pawang panaginip at pawang imahinasyon lamang.

Pero naniniwala ako na ang bahat indibidwal ay naghahanap ng katarungan at kasagutan kung saan bubuuhin ang mga tipak ng mga pangarap sa tuwing ang delubyo ay hahadlang.

Nang sa ganun mas lalong tumibay ang paninindigan na matupad ang mga pangarap,sapagkat tayo mismo ang huhubog ng ating tadhana.

1
$ 0.00
Avatar for Lucci
Written by
3 years ago

Comments