Todos Los Santos"Kahit wala nang buhay may karapatan siyang igalang"(Story)

0 26
Avatar for Lovelyjane
4 years ago

Isa sa pinagmamalaking kaugaliang minana ng pilipino sa kanilang ninuno ay pagmamahal at paggalang sa kanilang mga kaanak na yumao na. Dahil dto,tinakda ang ''todos los santos' 'tuwing unang araw ng Nobyembre.

Ang Sementeryo ng San Diego ay nasa gitna ng palayan. Napapalibutan ito ng bakurang yari sa bato at kawayan. Maalikabok ang kalye kapag tag-init at mataas ang tubig kapag tag ulan. Ang sementeryo ay may panandang isanf malaking krus na kahoy sa gitna ng libingan. May isang krus kung saan nakasulat ang INRI na malapad nang mabanaag dahil nabura na ng ulan.

Ang sementeryo ay may mga nagkalat na hayop na binubulabog ng dalawang lalaki. Ang isa sa mga lalaki ay hindi mapalagay. Tumatagaktak ang kanyang pawis, walang tigil ang paghitit sa kanyang sigarilyo, at panay ang dura. Ang isang lalaki naman ay salukuyang naghuhukay. Gusto ng isang lalaki na sa iba sila maghukat sapagkat nakita nya kasi na nagdurugo pa ang nahati nyang buto ng patay. Kahit naman saan sila humukay ay gayon din ang makikita nila. Nasabi tuloy nito sa kausap na masyado syang maselan. Ang sepulturero ay maselan na katulad ng tagatribunal.

Nabanggit ng sepulturero na sya ay may hinukay na bangkay na dalawampung araw pa lamang nalilibing. Malakas ang ulan at naalis ang pako ng takip ng ataul. Hindi alam ng sepulterero kung bakit pinahukay ang bangkay. Sya ay sumunod lamang daw sa utos ng kurang malaki na inilibing ang bangkay sa libingan na mga Intsik. Malakas ang ulan at napakabigat ang kabaong at saka masyadong malayo ang libingan ng Intsik kaya ang bangkay ay ipinaanod na lamang nya sa ilog.

Tinanong sya ng kausap kung bakit nya hinukay ang bangkay.Masyadong matanong ang kanyang kausap kaya sinabi nyang tulad sya sa isang kastilang sibil kung magtanong.

Parami na nang parami ang mga taong dumarating sa sementeryo upang bumisita sa puntod ng kanilang minamahal kapag araw ng mga patay. Ang ilan ay naghahanao ng libing ng kanilang mga mahal sa buhay. Nag-aagawan ang ibang tao sa pag-aangkin sa isang libing. Ang iba naman, kung hindi makita ang kanilang hinahanap na libing ay basta na lang lumuluhod kahit saan at nagdarasal nang taimtaim para sa kaluluwa ng kanilang mga namatay.

Malapit nang matapos ang nahuhukay ng seputlerero. Ang taong naipagawang nitso ay nagsisipagtirik ng kandila sa ibabaw ng nitso ng kanilang mga namayapang kaanak at taimtaim na nagdarasal.

6
$ 0.00
Avatar for Lovelyjane
4 years ago

Comments