Ang Kahalagahan ng Likas kayang Paggamit sa Pangingisda at Pagtotroso

3 20
Avatar for Lovelyjane
4 years ago

Ibinabahagi kulang po tong ini-ulat ko Noong(2012)😊 kung kayat po sanay magustuhan nyo.

Mula kay Balitao et al.Kabilang sa kanilang iminumungkahi upang matiyak ang likas-kayang paggamit sa pangisdaan ay ang tuwirang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan, samahang mangingisda, at ang mga miyembro ng kapulisan buo ng isang pangkat na ang pangunahang abokasiya ay pangalagaan ang karagatan at iba pang anyong tubig ay pangunahing pinagmumulan ng mga yamang tubig, kasama ang mga bakawan kung saan madalas na mangitlog ang mga isda. Kabilang sa mga dapat mabantayan ay ang paggamit ng mga lambat masyadong pino, pagbabawal sa pamaraang thrawl fishing,at ang paggamit ng mga pampasabog na nagdudulot na malaking pinsala sa karagatan. Dapat ding maging mahigpit ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga lisensiya at pagkilala sa malalaking kompanya na pangingisda ang negosyo. Siguraduhin na sila ay susunod sa itinatakdang pamaraan ng pangingisda at hindi manghuhuli ng mga isdang nanganganib nang maubos. Ito ay mangangahulugan ng tunay at tapat na implementasyon ng mga panuntunan upang masiguro ang kaligtasan ng ating katubigan.

Sa isyu ng pagtrotroso, mahalagang maipaalam sa bawat pilipino ang kahalagaan sa pagiingat ng ating mga kagubatan. Ilan sa mga inisyatibong maaring gawin ay sa pamamagitan ng pagpapasok sa kurikulum tungkol sa pagiingat at likas-kayang paggamit sa mga produkto mula sa kagubatan. Maari ding gamitin ang mga social networking sites at media upang maipabatid ang papel ng bawat isa upang mapangalagaan ng mga likaas na yaman.

Muling binibigyang-diin nina Balitao et al.(2012) na ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro kaligtasan ng ating mga yaman mula kabundukan, kanila ring kinikilala ang kakayahan ng mga katutubo sa pag aalaga sa kalikasan na nag pasalin-salin na sa maraming henerasyon. Isa sa mga rekomendasyon na kanilang inimunungkahi ay ang gampanin ng pamahalaan na makabuo at tunay na maipatupad ang isang polisya na magpoprotekta sa ating mga kagubatan.

Sa lahat ng ito, inaasahan din na ang mamamayan ay maging kabahagi sa paggamit ng tama at matalino para sa mmga susunod na salinlahi ng mga pilipino. Ayon kay Micheal Alessi(2002), ang pagbibigay karapatan sa mga mamamayan na pangalagaaan ang mga natatanging yaman bilang pangunahing pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay ay makapagtutulak sa kanila na ingatan ang mga ito. Dahil kung dito sila kumuha ng kanilang kita, malaki ang kanilang interes na mapapangalagaan ang mga ito.

4
$ 0.00
Avatar for Lovelyjane
4 years ago

Comments

Im proud to be a filipino nitizine😁

$ 0.00
4 years ago

And who's using this account?

$ 0.00
4 years ago

Ipasa ha filipino community uday

$ 0.00
4 years ago