"Side Story" (Reena and Gelo's side story)
Naranasan mo na bang magmahal ng walang hinihinging kapalit? Naranasan mo na bang magmahal na ang tanging hangad lang ay ang mapasaya ang taong minamahal mo, kahit na walang ikaw? Kasi ako, pakiramdam ko, iyon ngayon ang nararamdaman ko— hindi pala, matagal ko ng nararamdaman to magmula nung makilala ko siya.
Humigpit ang paghawak ko sa wheelchair na ngayo'y kinauupuan ni Rex habang naririto kami ngayon sa gilid ng malaking pinto ng simbahan, nanonood sa masayang kasal ng dalawang taong hindi ko naman kilala pero importante sa buhay ng taong mahal ko.
"Hindi ko alam kung bakit mo pang pinili na panuorin to, alam mong masasaktan ka lang." May tigas sa boses na sabi ko kay Rex na pilit na ngumiti pang habang nakatingin sa dalawang taong naghahalikan sa gitna matapos sabihin ng pari na kasal na sila.
"This is the last time I will see her, kaya bakit naman hindi? Hahaha. I am glad. I am glad that she's happy."
Napakagat labi ako sa sinabi ni Rex at napaiwas nalang ng tingin sa kung saan.
This is the last...
Napapikit ako sa alaalang huli na nga ata ang lahat. I am a doctor and Rex is my patient pero hindi ko alam kung bakit sa tagal ng naging paglaban niya sa sakit niyang Leukemia ay doon ko pang makikita na nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Hindi ko maisip kung saan ako nahulog sa kaniya, sa tapang niya ba na pilit na nilalabanan ang sakit niya kahit parang imposible? O sa pagiging desidido niyang makakasama niyang muli ang taong mahal niya kapag napagaling niya na ang sarili niya?
Palagi niyang sinasabi na kailangan niyang gumaling agad dahil may naghihintay pa sa kaniya. Palagi niyang hawak ang telepono pero pinipigil ang sarili na tawagan ang taong pinakaninanais niyang makitang muli at makasama. Ang sabi niya, hindi pwedeng malaman nito ang kalagayan niya at hindi pwedeng maging makasarili siya dahil sa dulo ay baka masaktan lang ito.
Doon ba ako nahulog sa kaniya? Pero ang pagmamahal niyang iyon ay para sa iba.
Naaalala ko pa nung una kaming nagkita, siya bilang pasyente ko at ako bilang doctor niya.
"Hi Doc! Ako nga pala si Rex. I have Leukemia that I need to cure within me. Matutulungan niyo ba ako?"
Nagulat ako non sa sinabi niya at sa mga ngiting nakapaskil non sa labi niya habang sinasabi niya yon.
"Ang energetic ah? Hahaha. Ano meron?" Natatawang tanong ko na siyang ikinatawa niya lang din.
"May naghihintay kasi sakin. Kailangan niya ako kaya magpapagaling kaagad ako." Sagot niya naman na siyang naging dahilan para mapangiti nalang ako.
Doon nagsimula ang lahat. Kahit nahihirapan ay pinipilit niya paring ngumiti. Kahit isang araw ay tila magigising nalang siya na maraming pasa ng wala namang ibang dahilan maliban sa sakit niya ay pinipilit niya paring pagaanin ang sitwasyon sabay sabing, "Gangster na ba ako nito? Dami kong pasa. Hahaha."
Ngunit ang mga ngiti niyang iyon, para yatang bumabaliktad sa paglipas ng panahon. Ang mga ngiti niya'y nabawasan, ang mga mata niya'y nawalan ng saya, ang katawan niya'y nanghina narin.
Isang araw, tinanong ko siya.
"Rex, bakit ka nagkaka-ganiyan? Akala ko ba gusto mong gumaling? May naghihintay pa sayo diba?"
"Wala ng naghihintay sakin, Doc. Wala na... Kaya bakit pa?" Nasasaktang sabi niya non at sa unang pagkakataon, umiyak siya ng todo at pinakita sa akin ang sakit sa kaniyang mga mata habang pumapalahaw siya at sinasabing, "ayoko na, ayoko na."
Simula nung araw na yon, tuluyan siyang nanghina at animo'y may buhay na walang buhay. Buhay pa ang katawan ngunit wala na ang isipan.
"Doc, gusto mong sumamang lumabas?" Yon ang sabi niya sakin kaninang umaga.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil muli, nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi, may saya sa kaniyang mata pero hindi non natago ang sakit ang lungkot.
At nung dumating kami rito sa simbahan, doon ko nalaman ang dahilan ng mga emosyong iyon.
"Siya si Reena, Doc, ang taong minamahal ko ng sobra." May ngiting sabi niya habang nakatingin sa babaeng may kahawak kamay na nakatingin din sa direksyon namin.
Napahigit ako non ng hininga. At sa unang pagkakataon, sinabi ko rin ang bagay na matagal ko naring gustong sabihin sa kaniya.
"Rex, mahal kita ng sobra sobra. Kaya pwede bang mabuhay ka pa ng matagal?"
Nung sinabi ko yon, tiningala niya ako ng may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Lumabas na muna tayo rito, Doc. May gusto rin akong sabihin sayo pagkatapos eh." Mahinang sabi niya dahilan para walang salitang hinila ko siyang palabas ng simbahan. Gusto ko siyang dalhin sa kotse para makabalik na kami sa ospital pero sinabi niyang sa parke muna kami kaya nama'y tahimik na tinulak ko lang ang wheelchair papunta roon.
Pero akala ko tahimik lang talaga siya non habang tinutulak ko ang wheelchair niya. Akala ko, iniisip niya ang sinabi ko. Akala ko kakausapin niya pa ako pero nung dumating kami sa parke, bagsak na pala ang mga kamay niya. At sa pagtingin ko sa mga mata niya, nakapikit na siya. At sa pagtingin ko sa kandungan niya ay may tatlong sulat na naroon. Para sa mga magulang niya, para kay Reena at para sakin.
Napaiyak ako sa sakit at halos manlabo ang mga mata kong napayakap sa katawan niyang wala ng buhay. Hindi ko alam kung bakit parang napakabilis ng lahat para sakin? Bakit kailangang mawala siya sakin?
Pero sa pagbukas ko noon ng sulat para sakin, mas napaiyak nalang ako ng sobra,
Para kay Doc,
Doc, alam kong masasaktan ka kapag wala na ako sa mundong to pero sana'y malaman mo ng may mga tao talagang dumarating sa buhay natin pero aalis din. Baka ganon ako sayo, Doc? Hahaha. Pero kahit ganon, nais kong hayaan mo akong manatili sa alaala mo bilang naging parte ng buhay mo dahilan para mas lumakas ka sa pagharap sa lahat ng pagsubok dito sa mundo.
Importante ka sa buhay ko, Doc. Importante ka sakin kaya sana'y maging masaya ka. Ikaw ang naging anghel ng buhay ko kaya sana'y makamit mo ang happy ending na gusto mo. Pero sa ngayon, sa huling pagkakataon, tatawagin ko ang pangalan mo...
Angel, paalam.
-K