Dito sa mundo maraming mga bagay na walang buhay, mga bagay na hindi gumagalaw hindi nakakapagisip at higit sa lahat mga bagay na walang emosyon o walang kakayanang masaktan.
Maraming tanong na sumasagi sa isip ko at ng ibang tao kung ano nga ba ang tunay na kahulogan ng buhay. Sa bawat Taon,buwan,araw,minuno't sigundo na lumilipas ay nasasayang o sinasayang ko at ng ibang tao sa mga bagay bagay na walang kinalaman sa pagtuklas kung ano nga ba ang tunay na kahulogan ng buhay.
Iba-iba ang naging karanasan ng bawat taong nabubuhay dito sa mundo. Mga karanasan na hindi inaakala ng tao na darating pala siya sa ganyang punto. Karanasan ang pinakapangunahing sandalan ng iba para maging matatag at lumaban pa subalit karanasan din ang dahilan ng iba para huminto at pagkawala ng pagasa. Bawat isa sa atin ay may nakalaang kanya kanyang buhay dito sa mundo, mapalad yung mga taong pinanganak ng marangya ang buhay at nabubuhay ng masaya datapwat may mga taong mapalad lang dahil nabigyan ng pagkakataong mabuhay subalit hindi masasabing masaya siya sa kaniyang naging buhay. Mga taong lansangan,may sakit, baliw at may mga kapansanan at iba pang tao na para bang pinagkaitan ng kasiyahan dito sa mundo. Ika nga, lahat ng bagay at pangyayari dito sa mundo ay may dahilan at siya lang ang nakakaalam.
Sa puntong ito aminado ako sa sarili na mapalad at masaya ako sa mga naging karanasan ko sa buhay sa kabila ng lahat ng pagsubok datapwat isa ako sa mapalad na isinilang at nasilayan ang buhay na may lungkot pighati,t saya. Mga taong nabubuhay at namulat sa karangyaan kung may pagkakataon buksan ninyo ang inyong puso't isipan at mga taong nangangailangan ay ating tulongan.
Walang sino man ang makakapagdikta kung ano ang buhay ng isang tao. Walang sino man ang siyang may kakayahan na mabago ang kapalaran ng tao. Ang tanging kakayahan meron tayong mga tao ay ang pagharap sa buhay na nakatadhanang meron tayo.
Ikaw? Tatanungin kita, masaya kaba sa buhay mo?
Para sa iyo ano nga ba ang kahulogan ng buhay ng tao sa mundo?
Kaibigan, mabuhay tayo. Laban lang sa biyahe ng buhay.
Ikaw, kaibigan, malaya ka't masaya pero subokan mong tumolong sa iba pangako malalasap mo ang tunay na ligaya.😊