Si Kaelas

2 13
Avatar for Lois
Written by
4 years ago

A friend gave me a puppy years ago. I named him Kaelas after a character in a book I was reading that time. Super sweet na aso. He was like a baby namin ni mama. Askal sya but he looked like a smaller version of a German Shepherd. Natatakot pa mga tao sa kanya. He looked fierce kasi labas mga pangil nya. Pag tumakbo ka, meaning u just invited him to play.

His only friend, Brownie, na aso ng kapitbahay namin ay naging pulutan ng mga nag iinuman. The sounds he made were eerie. Alam nya cguro na may nangyari na sa kaibigan nya. I just held him while he whimpered.

Pag Christmas or New Year, I stayed by his side to cover his ears. He likes looking at the fireworks from a distance. He would wag his tail and bark.

There was a time na may dumapong sakit ng aso sa barangay namin. Halos nawala lahat ng aso. Pati si Kaelas, nahawa din. Ako nagpapainum ng medicines nya. Yung syrup, I used drops. Dahil cguro sa hindi maganda ang pakiramdam nya, umaangil sya sa akin nun. Pinapagalitan ko parang bata tapos maglalambing sya para di na ako magalit. Ganun din sya kay mama pag napapagalitan.

Kung saan saan nagpupunta ang asong yun. Buti na lang kilala nila magalit si mama, kung hindi, matagal na ring ginawang pulutan. Nakilala kasi si Kaelas na aso namin kasi kapag may mga barangay meetings at meetings ng iba pang various groups na sinalihan ni mama, nakabuntot si Kaelas sa kanya.

Nakakamiss yun. He would wait for me sa tabi ng kalsada kahit late night na ako dumating galing trabaho. Mga naghahatid sa akin would point at him and say, "oi may sundo ka." He would looked so happy pag dumating na ako. Nakangisi pa.

Totoo nga ang sabi na yung mga pets mo, they will give you unconditional love. Kaya pets deserve to be loved and taken care of talaga. Nawala si Kaelas sa amin when he was 12 yrs old. Kakapanganak ko lang nun. He got sick and never recovered. He will always be one of our babies. I truly miss him.

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Lois
Written by
4 years ago

Comments

ghanda ng istorya mo sis tungkol kay kaelas rerally is na dog is the mans best friend . MALAKING PART NA TALAGA OR PARTE NA MISMO NG ATING PAMILYA ANG BAWAT PETS OR ALAGA NTN S ABhay dami na pael sa araw araw nating buhay una na jan ay ang pgoiging stress reliver nila s atin pg tau ay nkakadama ng kalungkutan at marami pang iba.

$ 0.00
4 years ago

Totoo yan. Stress reliever sila. Nakakaantig yung pagmamahal at loyalty na binibigay nila.

$ 0.00
4 years ago