Mama

6 13
Avatar for Lleon26
3 years ago

Hello po sa inyong lahat. Ako po ay baguhan lang dito sa read.cash, salamat sa pinsan ko nakarating ako dito hehe

Dahil namimiss ko na ang mama ko, at nalalapit na ang anibersaryo niya, gusto ko lang ibahagi ang ginawa kong tula para sa kanya.

"Wala ka man sa aming piling,

Alaala mo'y nandirito pa rin,

Di mawawala sa puso't isip namin,

Di magsasawang ikaw ay mahalin.

Limang taon mula ng ika'y mawala,

Andirito pa rin ang lungkot at sakit,

Kumpleto kami nung nandito ka,

Kulang kami mula ng nawala ka.

Salamat sa pagmamahal na iyong pinadama,

Sa mga yakap at halik na may paglalambing,

Hihintayin ko na lamang na ito'y dumating,

Hanggang sa tayo'y muling pagtagpuin.

Mahal kita Mama,

Wala ng mas hihigit pa,

Ikaw lang wala ng iba,

Ikaw lang Mama, Nag iisang Ina."

Para po sa lahat ng mga anak, huwag po sana tayong magsasawang mahalin ang ating mga Ina, habang nasa tabi niyo po sila, huwag po kayong makakalimot na sabihan sila lagi na Mahal niyo sila. Tulungan po natin sila kung sila man ay nahihirapan na at palagi po sana ninyong pasayahin ang inyong mga Ina. Simpleng pasasalamat at salitang Mahal Kita Mama/Nanay/Mommy, mapapasaya na po sila.

Para sa mama ko, wag po kayong mag alala samin magkapatid, okay lang po kami, mahirap po dahil wala ka, pero kakayanin namin, andito ka po lagi sa isip at puso namin. Mahal na mahal ka namin Mama ๐Ÿ˜˜

Salamat po sa mga makakabasa nito. Ingat po tayong lahat at pagpalain ๐Ÿ˜‡

3
$ 0.00

Comments

gaw,nakakaiyak nga๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ญparang sumasakit din dibdib ko๐Ÿ˜ฅ

$ 0.00
3 years ago

Ahaha grabe luha ko dito gaw, namimiss ko si mama hehe sa 19 na death anniv nya..๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

$ 0.00
3 years ago

oo nga gaw,naalala ko june 19 nga un. sakto un nung umuwi. sayang di kayo makauwi ngayon,dyan pa kasi si covid eh.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga gaw, next year pa kami makakauwi eh hehehe, uwi ka din sa reunion hahaha ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
3 years ago

baka nga dyan ako sa pinas nyan gaw,pag di ako natuloy sa pag uwi this year. hehe

$ 0.00
3 years ago

Ahahaha ayos yan gaw, sabay sabay na tayong lahat umuwing davao hehehehe ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜๐Ÿ˜

$ 0.00
3 years ago