Ama

0 3
Avatar for Lleon26
4 years ago

May isang ama na nangarap umasenso, makapagpatayo ng bahay, makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak at makapagnegosyo balang araw.

Dahil sadyang mahirap ang buhay dito sa Pilipinas, naisip niyang mag-abroad na lang. Hulyo 2018, Nakita niya sa fb na hiring ang South Korea, pero dapat mag-aral muna ng hangul.

Dahil desidido siya na makapag-abroad, ang kalahati sa suweldo niya ay ibinayad niya para makapag-aral ng hangul. Kahit mahirap, pinagsabay niya ang pag-aaral, pagtatrabaho at paglaan ng oras sa mga anak at sa asawa niya.

Hindi naging madali ang pag-aaral niya, dahil talagang mahirap pag-aralan ang lenggwahe ng mga Koreano. Isa pa sa nakakapagpababa ng kumpiyansa niya ay ang mga negatibong sinasabi ng ibang kamag-anak at kaibigan niya. Pero naisip niya, Bakit siya magpapaapekto sa mga sinasabi ng iba? May pamilya siyang sumusuporta sa kanya. Sapat na dahilan na yun para pagsikapan pa lalo ang pag-aaral niya at para mapatunayan din sa iba na tama ang desisyon niya.

Hunyo 2019, Dumating ang araw na mag iexam na sila sa Poea, kailangan maipasa nila ito para makapagpatuloy pa sila sa tinatawag na Skills test, doon ay kakausapin sila ng mga Koreano. Naipasa niya ang unang exam, sulit ang tatlong araw na hindi niya pagpasok sa trabaho. At dahil dito, kailangan pa lalo tutukan ang pangalawang exam, ang Skills Test. Mas mahirap ito dahil may assemble na gagawin, pagpapakilala sa sarili sa salitang hangul, interbyu ng Koreano atbp. Salamat sa tulong ng Paaralan dahil tinutulungan sila sa mga kailangan nilang gawin.

Bago ang Skills Test, siya ay nagpaalam sa pinagtatrabahuan niya na liliban siya ng isang linggo upang mapaghandaan ang exam. Oktubre 2019, Kabado siya nung araw na yun dahil hindi biro ang mga katanungan na natapat sa kanya, meron siya di nasagot sa interbyu, at meron din siyang mali sa assemble. Bawat mali ay may nababawas na puntos, kaya ang nasa isip niya ay di na siya papasa. Kaya kinagabihan, dinaan niya sa pag inum ng alak at iniyakan niya talaga dahil ang akala niya ay bagsak na siya.

Nung araw na naglabas na ng anunsiyo ang Poea kung sino ang nakapasa ay sobra ang kaba niya. Alam niyang bagsak na siya kaya ang asawa niya ang pinatingnan niya ng iskor niya sa exam. Natuwa ang asawa niya sa nakita, at sinabi sa kanya, "Pasado ka Dadhie!!" Sa sobrang tuwa niya, napatalon siya at napayakap sa asawa at mga anak niya. Dahil sa wakas matutupad na din ang isa sa pangarap niya.

Mabilis ang naging proseso sa kanya dahil isa siya sa napili ng employer sa Korea. Nobyembre 2019, nagdesisyon siyang magresign sa trabaho para asikasuhin ang mga kailangang dokumento sa Poea. Isang buwan lang naka iskedyul na siyang lumipad patungong South Korea.

Disyembre 04, 2019 nakarating siya sa Korea. At laking pasasalamat niya sa Panginoon dahil maganda at maayos ang kumpanyang napasukan niya. Patuloy pa rin ang komunikasyon niya sa asawa at mga anak niya, araw araw nakakausap niya ang mga ito. Kahit malayo siya, alam niyang may patutunguhan ang pagsusumikap niya. Makakaipon na siya at mabibigay niya na ang pangangailangan ng pamilya niya. At unti unti, makakaahon din sila sa hirap at matutupad din ang mga pangarap niya para sa kinabukasan ng pamilya niya.

Para sa lahat ng mga Haligi ng Tahanan,

Happy Father's Day sa inyo!!

Maraming Salamat po sa makakabasa nito. Ingat po tayong lahat ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜‡

1
$ 0.00
Avatar for Lleon26
4 years ago

Comments

Ang ganda naman ng kwento. Nakakainspire ng mga taong makakabasa nito. Ang ating ama ang halimbawa ng isang magulang. Kaya dapat mahalin natin sila at alagaan para suklian ang kanilang sakripisyo sa atin nung tayo pa ay hindi nakakatulong sa kanila

$ 0.00
4 years ago

Maraming Salamat po . Tama po kayo. Worth it ang pagsasakripisyo kung para din sa kinabukasan ng mga anak niya.๐Ÿ˜Š Ang masusukli lang ng mga anak ay magsumikap sa pag aaral at maging mabuti.๐Ÿ˜‡

$ 0.00
4 years ago

ayun ang ganda gaw. sana mabasa to ni lei.

$ 0.00
4 years ago

Ahahaha salamat gaw.. Dyahe isend sa kanya, di naman siya member dito hahahaha

$ 0.00
4 years ago

ahahahaha....may ginawa ako. gaw,alam na yan ni lei๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ

$ 0.00
4 years ago

Wahahahaha hindi nga? Alam na niya?๐Ÿ™Š๐Ÿ™ˆ๐Ÿ™ˆ wala pa binabanggit yun eh ahahaha

$ 0.00
4 years ago

hahahaha...alam nya na yan gaw๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃpero di ko sinabi na dito mo yan sinulat sa read.cash๐Ÿ˜‚ naproud ako bigla kanina nung nabasa ko article mo,kaya naisipan ko ipabasa sa kanya. haha

$ 0.00
4 years ago

Nyahahaha salamat gaw.. Naluha ako ahahah ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ masarap sa pakiramdam masabihan ng proud hehehe

$ 0.00
4 years ago

hahaha...mas nakakaproud pa nga yung pagiging ina mo sa mga bulilit mo gaw eh. lalo na wala si lei ngayon,mag isa ka lng. ang hirap ng ginagawa mo pero kinakaya mo. masasarap talaga sa pakiramdam yung may taong proud sayo gaw๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

Ano ba yan gaw ang aga mo magpaiyak ๐Ÿ˜ญhahahah nagagawa ko na panglalaking gawain dito gaw haha nagiging tubero, karpintero, electrician ako dito sa bahay hahaha๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

haha...magtataka yang mga bulilit dyan gaw,aga aga mo umiyak๐Ÿ˜† yan talaga yung mga nakakaproud sa isang ina. sana makita yun ng mga asawang lalaki kung gaano kahirap maiwan sa bahay.

$ 0.00
4 years ago

Buti na lang tulog pa mga bata hahaha ๐Ÿ˜‚ Tama gaw, maappreciate man lang sana nila un effort na ginagawa ng mga housewife. May iba kasing mga lalaki ang manhid haha di nakikita mga ginagawa ng asawa para sa kanila.

$ 0.00
4 years ago

haha...nakatulogan ko na kagabi mga comments๐Ÿ˜† naku! madamu yang mga mister na ganyan gaw,sasabihin pa ang dali lng dw ng trabaho ng mga babae.

$ 0.00
4 years ago

Ahahaha naaabutan kasi ng mga mister ung time na nagpapahinga na mga asawa nila, kaya di nila nakikita na tapos mo na mga gawain sa bahay at yun pa lang ang oras na makakapagpahinga ka hehe

$ 0.00
4 years ago

hahaha....oo nga gaw,taz pgkadating nila kung mkapag utos pa sa mga asaea nila akala mo sila lng yung pagod. hahaha๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Nyahahah ganyan ba ex mo?๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ buti sakin may pagkukusa di na pagsisilbihan hahaha ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

di ko sinasabing ex ko yung ganun gaw. pero parang ganun na nga. hahahaha๐Ÿ˜‚ isa ka sa mga maswerting misis gaw kasi may asawa kang ganyan.

$ 0.00
4 years ago

Ahaha buti na lang ex mo na gaw hahaha di na ko gumigising ng madaling araw pag papasok un sya sa work, sya na kusang nag iinit ng tubig, nagkakape, naghahanda ng gamit nya haha taga luto lng ako pag kakaen sya haha

$ 0.00
4 years ago

buti nalang talaga gaw ex na. thank you Lord. hahaha.... kaya swerte nyo pareho sa isat isa gaw.

$ 0.00
4 years ago

Ahaha buti na lang talaga wala na si Ex hahah ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ kahit mga bata gaw marunong din ๐Ÿ˜‚ kusa din silang kumukuha ng mga gamit nila, di na nagpapababy hehe

$ 0.00
4 years ago

hahahaha...buti nlang talaga๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ nakikita kasi nila sa inyo kung ano ginagawa nyo gaw kaya ginagaya nila. mga bata kasi kung ano yung ginagawa ng mga magulang yun din sinusunod nila.

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga gaw hehe pagdating sa ganyang gawain independent sila hehe maarte lang sa pagkaen hahaha ๐Ÿคฆโ€โ™€๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

mabuti yang ganyan gaw,kc pag busy ka di mo na kelangan isipin sila. kc marunong na sila gumawa sa sarili nila. haha...gnyan mga bata gaw,mapili sa pagkain. yung dalawang bulilit ko din. mga pasaway,pag gulay yung ulam,ayaw magsikain kasi damo dw๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

Ahahah mana mana lang gaw, mga takot sa gulay hahaha kilala lnag nila patatas, carrot, sayote, yung mga madalas makita hahah ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

kaya pala ang tahimik mo sa gruop kanina kasi may pinag iisipan ka. hahaha

$ 0.00
4 years ago

Ahahaha bigla ko na lang ito naisip gaw, napakwento na lang ako, kusang gumana utak ko kagabi hahaha iba na natatype ko eh, biglang ganito hahaha ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

hahaha...ganyan yan gaw,at mas mararamdaman din ng mga taong babasa ng article mo kasi halatang galing talaga sa dibdib mo yung kwento eh.

$ 0.00
4 years ago

Nainspire ako sa mga post mo eh hehehe ok naman pala nagawa ko, may idudugtong pa sana ko kaso napakahaba na nun haha ipart 2 ko na lang kaya?hehehe

$ 0.00
4 years ago

haha....pwde rin may part 2 gaw. haha... gumawa ako nung kwento about kung gaano ako kaswerte ky papa. may idudugtong pa din sana ako nun,kaso naiyak na ako. kaya tinapos ko na din. hahaha

$ 0.00
4 years ago

Ahahah ang hirap na magkwento pag naiiyak na eh hehe nagiging emotional na ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

$ 0.00
4 years ago

I am excited to read out this post. Ama is new word. I think you write many story and used new word. Thank you.

$ 0.00
4 years ago

Wow, thank you so much ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜ This is my first time to publish a story. I usually do poetry hehe thank you for reading my story. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

wow very inspiring, malapit na ang fathers day!!!! this a good article!

$ 0.00
4 years ago

Thank you very much!!๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š Salamat po at nagustuhan mo ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜๐Ÿ˜

$ 0.00
4 years ago

Fatherโ€™s Day is an opportunity to tell dad how much you appreciate him. New dads, old dads, granddads, dads-in-law, stepdads, serious dads, goofball dadsโ€ฆThere must be a million fatherly types out there, and without a doubt, there are at least that many reasons to honor them on Fatherโ€™s Day.

To my Tatay, ilove you so much!!! Thank you for always being there, sa amin na mga anak mo, kay nanay at sa sampu mong apo, always stay healthy, malakas ka palagi, ingatan mo palagi katawan mo, we love you so much!!!!

$ 0.00
4 years ago

Yes po, this is the time na pasalamatan din natin sila, sa mga sakripisyo, pagsusumikap nila, at sa pagmamahal na binibigay nila satin. Happy Father's Day po sa tatay mo. Stay healthy po. God Bless your family. ๐Ÿ™๐Ÿ˜‡

$ 0.00
4 years ago