His Promises

2 15
Avatar for Ligaya1030
4 years ago

"THE DAY HE FULFILLED HIS PROMISE"

🖋️HEIROS GRIM

"Love, help me. Narinig ko si Daddy! Ipapakasal niya ako sa iba." Mahinang saad ko habang kausap sa cellphone si Reid. He's my boyfriend for six years now. Ayaw ni Daddy sakaniya dahil galing siya sa walang kayang pamilya.

"Ano?! Verron, makinig ka. May tiwala ka ba sa'kin?" alam kong sa ngayon ay nakakunot na ang noo niya. I want to tease him but we're on serious situation.

"Oo, ayokong ipakasal sa iba, Reid. Please love, do something." Nagmamakaawang saad ko. I can't see myself being married to someone else but Reid. Siya lang ang gusto kong pakasalan.

"Hush now, Verron. Itatakas kita, hintayin mo ako sa tagpuan natin. Mahal na mahal kita. I promise you, makakarating ako, hintayin mo'ko. Hindi kita pababayaan."

"I love you too. Bilisan mo, maghihintay ako."

I went to our favorite place. Naghintay ako doon, late na siya ng ilang minuto. Until minute turn into hours. Limang oras na akong naghihintay pero wala siya.

Nagulat ako ng may humintong itim na sasakyan at lumabas doon si Daddy.

"Time to go home, princess." Mariing saad ni Daddy.

'Reid, where are you?' humiling ako na sana dumating na siya pero wala. He broke his promise.

Ilang linggo na ang nakalipas simula noong gabing 'yon pero walang Reid na nagparamdam. I kept on texting him, I tried to go to his house pero wala na sila doon ng pamilya niya. Hanggang sa nagsawa ako sa paghihintay.

---

Ten years after, I'm now married. Pinakasal ako ni Dad sa anak ng best friend niya, si Caden. Our wedding was grand, nagkaroon pa ng live coverage sa tv. It was called the wedding of the decade dahil ang nag iisang anak na babae ng vice president ng bansa ay ikakasal sa anak ng business tycoon.

As for Reid, I spent years, hating him. It's time to move on. Natuto ko na din namang mahalin si Caden. He's nothing but a perfect husband. Hindi ako nagsisi na pinakasalan ko siya. Masaya na ako sa buhay ko ngayon.

Nagtext sa'kin ang Ate ni Reid noong nakaraang araw. Nakiusap siya sa'kin na mag usap kami. Habang papunta ako sa coffee shop kung nasaan si Ate Reighn ay dumaan muna ako sa paborito naming lugar ni Reid noon.

It felt nostalgic. Ang daming memories ang bumalik sa'kin. Nagulat ako ng makita ko si Reid na nakaupo sa isang bench.

"Uhm hi?" saad ko pero hindi ako lumapit sakan'ya, napalingon naman siya. He's still the same, tall and handsome. He smiled at me.

"Hey, I made it, love. Nandito na ako. Natupad ko ang pangako ko oh." Nalilito ako sa sinabi niya. Nanatili siyang nakaupo sa bench. "I fulfilled my promise, nakarating na ako."

"What are you talking about?" I asked but he just shrugged at saka tumingin sa malayo. Is he talking about the night where he didn't showed up?

"I missed you, I'm sorry, Verron. I'm sorry."

Pinili ko na lang na umalis dahil may nararamdaman akong hindi ko dapat nararamdaman. Here's my heart again beating only for him. No, I don't love him anymore. Si Caden na dapat, si Caden na hindi ako paaasahin sa wala. Caden is so pure na hindi dapat sinasaktan. Mahal ko si Caden, si Caden na ang may ari ng puso ko.

Nagpunta ako sa coffee shop at natagpuan ko si Ate Reighn sa second floor.

"I've seen him on our favorite place earlier bago tayo magkita. I talked to him." saad ko.

Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin. "Huh? What are you talking about? Si Reid nakita mo? Baka hindi ka maniwala sa sasabihin ko pero..."

"Ate Reighn, what is it?"

"Alam kong galit ka kay Reid dahil ang akala mo iniwan ka niya pero hindi," mapait siyang ngumiti bago nagpatuloy. "Nalaman ng Daddy mo na may balak kayong magtanan. Noong gabing plano niyong tumakas, pina-kidnap siya ng Daddy mo at pinabugbog. Na-coma siya ng dalawang taon." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Ate Reighn.

"No, you're lying. Alam kong istrikto si Dad pero hindi niya magagawa 'yan!"

"Believe it or not, pero 'yon ang totoo. Alam mo bang ikaw ang unang hinanap ni Reid pagkagising niya? Nagwawala siya sa hospital noon, pilit niyang sinasabi na naghihintay ka sakan'ya. Tumigil lang siya noong nakita niya ang live coverage ng kasal niya. Iniyakan ka niya. He kept on saying 'I'm sorry, Verron.' nasaksihan ko kung paano madurog ang kapatid ko dahil sa pagmamahal sayo." Mahabang paliwanag ni Ate Reighn. How? I mean, he's been hurting all this time!

"Where is he? I need to talk to him again. Ate pupunta ako sa paboritong lugar namin, baka nandoon pa siya?" Mabilis akong tumayo pero hinawakan ako ni Ate sa braso.

"Sit down, Veronica. I see, wala kang kaalam alam sa kung anong nangyari sakan'ya. But let me tell you this, my brother loves you so much. Hindi niya ginustong iwan at paghintayin ka sa wala. Mahal na mahal ka niya. Pinuntahan ka niya," Napatigil si Ate dahil may luhang lumandas sa pisngi niya.

"Hindi siya pumunta sa'kin Ate, wala siya." mahinahong saad ko. Inalala ko ang nakaraang sampung taon pero wala akong maalalang pinuntahan ako ni Reid.

"Hindi siya nakalapit sa'yo dahil marami kang bantay. Nasasaktan ako na makitang nasasaktan ang kapatid ko dahil sa pagmamahal sa'yo." tumingin siya sa taas para pigilan ang nagbabadyang mga luha. "Pero mas masakit 'yung pagbalik niya sa'min ay wala ng buhay! He was shot! He died wanting to explain his side to you."

Hindi ko napigilang maiyak. "W-who?" Nakausap ko pa siya kanina.

"Do you love your husband?" Tanong ni Ate Reighn. Tumango naman ako. "Very well, Veronica. He was the one who pulled the trigger. He killed my brother!"

And today is his death anniversary, the day he fulfill his promise

2
$ 0.00
Avatar for Ligaya1030
4 years ago

Comments

wow...nice story...

$ 0.00
4 years ago

Thank you

$ 0.00
4 years ago