#WS_STORY
#REPLY_BOX_POLICY
TITLE: Arranged Married to my Professor (Marriage Series 1)
GENRE: Rom-Com
AUTHOR: PatnerNCrime (follow me in Watty)
COMPLETE (na siya sa wattpad)
🍂 CHAPTER 1🍂
LEI'S P.O.V
"Bienvenue à la maison, Leighannie!!"
Sigaw ko nang makapasok ako nang mansyon. Grabe ang laki ng pinagbago nang mansyon, ang dating luma at puro antik na gamit noon, ay puro high-tech na ngayon. Lahat ng gamit ay binago at halatang mamahalin pa.
Pati ang gate at pinto ay may password na, parang cellphone lang. Mabuti na lang sinabi sa akin yung password bago ako umalis galing province. Kung hindi baka matagal pa akong naghintay sa labas. Grabe namiss ko talaga ang mansyon namin dito sa Maynila.
"Waaahhh!! I miss our mansion!!" napapikit pa akong sumigaw at nakataas pa ang kamay habang paikot-ikot pa. Ok lang magmukhang tanga, eh sa namiss ko dito eh. At saka masaya ako dahil nakabalik na din ako sa wakas.
"Tsk, sana hindi ka na lang bumalik"
"Yeah, your right. Sana hindi na ako-" teka parang mali ata dinig ko. "Ano kamo? Hindi na sana ako bumalik!?" napalingon ako sa mapangahas na nagsabi nun sa akin. At..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At sino naman tong lalaking feeling model nang bench. Lakas na nga nang aircon dito nakaboxer pa siya. Myghad hindi ba siya aware na may bumabakat sa kanya, dun sa ano niya!!!
"Did you know, starring is rude. Lalo na kung diyan ka pa nakatingin. " natauhan naman ako nang magsalita siya. Teka dun ba ako nakatingin? (Yuck)!
"Aba't, did you know naked in front of me is rudeness, teka nga sino ka ba? Bakit nandito ka sa mansyon namin ah? Rapist ka nuh!" napahawak pa ako sa dibdib ko, aba malay natin na may masama siyang intensyon sa akin.
"Ang taas naman ng confidence mo sa katawan, eh wala ngang kaakit-akit sayo" walang emosyon niyang sabi habang nilalait lait ako.
Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang makakarinig ako nang ganitong panglalait sa hindi ko kilala.
Dahil sa inis tinanggal ko sa paa ko ang Diamons Hearts & Bows Peetoe Heels ko na binili ko pa sa exclusive shop noon sa France. At ready na akong ibato sa kanya yun nang bigla na lang sumulpot si Manang sa harap ko.
"Oh, hija nakauwi ka na pala" masayang bungad niya sa akin bago siya napatingin sa hawak ko. "Teka bakit hawak mo yang sapatos mo? Ibabato mo ba sa akin yan?" kinakabahan niyang tanong na nakaturo pa sa Diamons Hearts & Bows Peetoe Heels ko.
"Oo manang! Ibabato ko to pero hindi sayo. Kundi diyan sa lalaking nakaboxer na yan!" pinanturo ko ang sapatos ko sa lalaking nakaboxer na cool na cool lang nakatingin sa akin.
"Ikaw talaga hija, hindi ka pa din nagbabago. Tara na nga at sasamahan kita sa kwarto mo" natatawang sabi ni Manang na hindi man lang inintindi ang sinabi ko. Aba't may kakampi pala tong ugok na to dito.
"Pero manang.. Sino ba kasi yan?! Ba't nandidito yan? Wala naman tayong katulong, hardinero, kusinero, labandero, butler o kahit driver na nakaboxer lang?!" sunod-sunod na tanong ko kay Manang.
"Tsk, pansin na pansin mo talaga yung boxer ko nuh" biglang saba't nung ugok kaya napalingon ako sa kanya.
"At anong gusto mong pansin ko bukod sa boxer mo ah! Kala mo kaakit-akit yang katawan mo. Lakas mo pang maghubad dito eh buto't balat ka nga lang" nakangisi kong sabi, habang nakapamewang pa.
Oo aaminin kong nagsisinungaling ako dahil namumutok lang naman ang mga muscle niya sa braso at ang mga kumakaway na walong abs sa tiyan niya na nagsasabing maglaway ako dahil sa ganda ng pangangatawan niya. Pero wala akong pake at hindi ako maglalaway.
Duraan ok pa.
"What the-Hey!"
Hindi ko na siya hinayaan na matapos pa ang sasabihin niya, dahil nilayasan ko na siya dun. Tsk, aksaya lang sa oras kung makipagbangayan pa ako sa lalaking yun. Umaakyat na ako para makapunta sa kwarto ko, ramdam ko namang nakasunod lang si Manang sa akin.
Ibang iba na nga talaga dito, feel ko tuloy nasa ibang mansyon na ako. Nabalita ko nga na ipaparenovate tong mansyon kaya expected ko na lahat ay magbabago pero hindi ko pa din maiwasan na mamangha sa ganda nang pagkadesenyo dito sa mansyon. Ibang iba, napakaganda talaga sa mata.
"Nagustuhan mo ba ang bagong mansyon hija?" tanong ni Manang sa likuran ko.
"Yes! Gumanda lalo ang mansyon manang wala na akong masabi" nakangiti kong komento.
Nakarating din kami sa kwarto ko at lalo akong namangha dahil lahat ng gamit ko ay kulay, lavender na favorite color ko talaga.
"Wow! manang ito na ba ang kwarto ko?!" manghang sabi ko habang busy sa paglibot sa buong kwarto.
"Hahaha, oo hija obvious naman, ikaw lang naman ang adik sa kulay violet"
"Lavender, manang hindi violet." pagtatama ko sa sinabi ni Manang, iba kasi sa paningin ko ang violet sa lavender.
Para sa akin sobrang magkaiba yun nuh.
"Hahaha, hindi ka pa din talaga nagbabago hija" napangiwi na lang ako sa kababawan ni Manang, masaya na siya na hindi pa din ako nagbabago. Ano ba dapat baguhin ko?
Wala din naman.
Pero hindi ko din siya masisisi kung bakit ayaw niya ako magbago dahil siya nga naman ang nag-alaga sa akin simula nang magkaisip ako. Kaya sa lahat ng taong kilala ko siya lang ang nakakakilala sa aking ng lubos.
"Hinding hindi naman ako magbabago Manang, ako pa din ang batang tinatawag niyo lagi na Hannie." nakangiti kong sabi sa kanya, nagulat pa ako dahil parang maluluha na siya. Teka ang weird ni Manang ngayon..
"Naalala ko pa kapag tinatawag kita sa pangalan mong yun, alam mo na agad na ako yun." natatawa niyang sabi habang nagpupunas pa sa gilid ng mata.
"What's wrong Manang? Bakit parang naiiyak na kayo? Magreresign na ba kayo Manang?" hindi ko na din napigilan na malungkot. Maisip ko pa lang naaalis na siya gusto ko na mapahagulgol ng iyak.
"Ano ka ba, diba sabi ko hinding hindi kita iiwan. Ikaw talaga." piningot niya pa ang ilong ko, gawain niya yan kapag nalulungkot na ako.
"Wag po kasing kayong malungkot, nalulungkot din ako eh" nakanguso kong sabi sa kanya, pero natigilan ako nang may naalala ako. "Nasaan nga pala sila Mommy. Bakit wala ata sila dito?" takang tanong ko kay Manang.
"Ahh, parating na sila. Alam mo naman madaming meetings at business works ang Mommy at Daddy mo" sagot niya habang inaayos ang kamang hindi naman nagulo.
"Tch, always naman." bulong ko "Pero teka, sino ba yung lalaking nakaboxer kanina?" tanong ko ulit kay Manang.
Natigilan naman siya sa pag-aayos at pilit na ngumiti sa akin. Teka kinakabahan ako sa mga ganyanan ni Manang eh.
"Ahh, ano kasi.. Siya si ano.. Ano siya.. Si." nakakaintense naman to si Manang hindi na lang ako deretsyuhin eh.
"Ano nga Manang, sino at ano siya?" nalilito kong tanong, sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto kaya sabay pa kaming napalingon doon ni Manang.
At isang tao lang naman ang pumasok dito sa kwarto ko na akala niya kung sinong artista na diresiretsyong pumasok sa kwarto ng may kwarto!!!
"I'am Engr. Rhydian Graysion, at tao ako."
Napaikot na lang ako ng mata. "Pake ko kung Engineer ka Mr. Rhydian Graysion at isa pa wala akong pake kung tao ka. " mataray na sagot ko sa kanya.
"Sad to say but, kailangan mo na ako bigyan ng pake." nakapoker face niyang sabi habang nakacross-arm pa.
"And why would I do that?"
Ano bang pinagsasabi nitong lalaking to, asar na asar na talaga ako sa kinikilos niya eh. Hindi na lang niya sabihin kung ano ba talagang pakay niya kung bakit nandidito siya sa mansyon, at bakit nakaboxer lang siya dito?!
Feeling ata niya na nasa Fashion show siya!!!
Umaayos naman siya ng tayo at bahagya niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko, at maangas na tumingin sa akin.
.
.
.
.
.
.
.
"Because I'm your fiance"
****
A/N: [COMPLETE nato sa WATTPAD] napost ko na tong story ko sa ibang group, ipopost ko lang ulit para mabasa naman ng iba at para maEDIT ko na din siya isa-isa 😊
So ENJOY READING❤️
#REPLY_BOX_POLICY ⚠️