Mula kinder palang kapag magpapakilala ka sa harap ng klase laging itatanong sayo ano ang pangarap mo paglaki? Kadalasan mong maririg sa mga bata ay gusto nilang maging Doktor, Guro, Pulis, Bumbero, at mga karaniwang alam nila. Hanggang sa magkaroon na sila ng desisyon at unti unting lumalabas ang mga interes at kakayahan nila bilang isang tao.
Noong nasa elementarya ako tuwing tinatanong ako kung anong gusto ko ay lagi kong sinasabi gusto ko maging isang guro. Noong nag Junior High School grade 7 ninais kong maging isang Med Tech, grade 8 maging isang Chef grade 9 ay hindi ko na alam hanggang sa maging isang Student Teacher ako doon ako nagka interes na maging isang guro doon ko nakita ang sarili ko na magturo at magbahagi ng kaalaman sa iba kaya mula noon desidido na ako maging isang guro. Pagtapak ko ng Senior Highschool kumuha ako ng Humanities and Social Science (HUMSS) hanggang sa ngayon ako ay tutungtong na sa Kolehiyo at unti- unting kinakamit ang pagiging guro alam kong malayo pa ang ang mararating at umpisa palang ito.
Para sa akin marami tayong pagsubok na pagdadaanan, Hindi naman nawawala iyon di'ba? Nariyan pa ang punto na ayaw na natin tumuloy at nanaisin na sumuko na lang. Pero lagi nating tandaan na lahat ay kayang makamit basta magsumikap. Laban lang patungo sa pagkamit ng pangarap. Fighting !
Laban lang po, magtapos ka muna sa pag aaral para matupad mo lahat ng pangarap mo. Maging mabuting anak dahil para din sa ikabubuti mo ang lahat ng ginagawa ng magulang mo at ginagawa mo mismo katulad ng pagsisikap mo.